Story's Centerfold: SPECIAL CHAPTER

1.4K 40 6
                                    

Author's Note: Hi guys. This is actually an update for the next chapters but i would like to take this opportunity in using this page to say my apologies. Hindi po ako nag-a-update ng story for few weeks. I don't want po to explain but sorry po talaga. 😟😟 Personal reason lang po. Maraming salamat pa rin po sa mga sumusubaybay at nag-antay. I love you so much guys. 😘😘😘

THE UNEXPECTED ARRIVAL
STORY'S CENTERFOLD
SPECIAL CHAPTER: JOSHANE

Five Years Later...

Tila isang panaginip lang para kay Joshane ang nangyari sa mga nakaraang taon. Sa araw na ito ay isa siya sa mga mag-mamartsa sa entablado bilang isa sa mga ga-graduate ng kolehiyo. Nakapagtapos siya ng Engineering course at alam niyang gusto niya ang kursong ito.

Mula sa kinatatayuang entablado ay nakikita niya ang kanyang mommy na nakaupo sa nakalinyang mga upuan sa loob ng gymnasium. Nakikita rin niya ang kanyang kuya Joshue kasama ang fiancee nito na ikakasal na rin sa susunod na buwan. Katabi naman nila ang kanyang kuya na si Joshua at ang five-year boyfriend nito na si Michael. 

Masayang-masaya siya sa nakikita niyang kompleto ang kanyang pamilya para suportahan at subaybayan ang kanyang pagtatapos.

Hindi naging madali para sa kanya ang maging bunsong kapatid at bunsong anak ng pamilya. Nasa kanya lahat ng pressures. Aminado siyang hindi basta-basta ang kursong natapos niya. Nasa puso't isipan pa rin niya ang pressure na makapasa siya ng Board Examination, lalo't Summa Cumlaude siya. Para sa kanya, ang pagtatapos na ito ay unang hakbang pa lang para abutin ang minimithing tagumpay.

Pero napagdesisyunan niyang huwag munang isipin ang mga bagay na yun. Gusto niya munang sulitin ang araw ng kanyang pagtatapos.

Katabi niyang nakatayo sa entablado ang kanyang mga kaklase at kapwa graduating students upang kantahin ang awit ng pasasalamat. Mula sa kanyang pwesto, katabi niya sa kanyang kanan ang kanyang bestfriend na si Kate, at sa kaliwa naman ang pinakaayaw niyang lalaki sa campus, si Rafael. Magkaiba ang kurso nila ni Kate dahil Elementary Education ito. Si Rafael naman ay architect. Wala siyang pinagsisisihang naging kaibigan niya si Kate dahil isa ito sa kumompleto sa kanyang pamamalagi sa campus. Sa kabilang banda, kahit ayaw niyang tumabi kay Rafael, wala siyang nagawa dahil ito ang pakiusap ng professor sa kanila.

Nasa harapan naman niya ang kanyang nga classmates sa loob ng limang taon. May ngiti din niyang iniisip na sabay-sabay silang nagsisipagtapos. Hindi biro ang kanilang pinagdadaanan ngunit, nakatayo na sila ngayon at taos-pusong umaawit ng pasasalamat sa kanilang mga pamilya, guro, kaibigan, at unibersidad.

Nang malapit ng matapos ang awitin nila, napansin ni Joshane ang isang kamay na dahan-dahang humawak sa kanyang palad. Nasa kaliwa niya ito - si Rafael. Napatigil siya sa pag-awit at bahagyang nilingon niya si Rafael. Nakita niyang nakangiti lang ito at umaawit. Hindi nito inalis ang kamay at mas hinigpitan pa nito ang paghawak sa kanyang kamay.

Nilingon niya si Kate sa kanyang kanan at hinawakan din niya ang kamay nito. Mayamaya, natapos ang awiting kanilang inawit. Ngunit, hindi pa rin kumawala mula sa pagkakahawak ng kamay si Rafael sa kanya. Ngunit, nagsisi-alisan na ang kanilang mga kasamahan sa entablado kaya inalis na rin nito ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Sumunod si Joshane kay Kate na pababa na rin, at sumunod na rin si Rafael sa kanila.

Heartthrob. Campus crush. Mister Campus. Gwapo. Matangkad. May sex appeal. Matalino. Halos lahat ng pagpupuri na ang pwedeng ibigay kay Joshane. Sabi nga ng iba, sa magkakapatid na mga lalaki, ang bunso ang pinakagwapo. At isa itong patunay na totoo ang sinasabi ng iba. Sa tatlong magkakapatid na Joshua, Joshue at Joshane, halos magkasinggwapo naman ang tatlo ngunit mas angat si Joshane sa kanila. Hindi lang dahil siya ang pinakabata, ngunit dahil na rin siya ang namukod-tangi sa tatlo.

Sa kanilang pamilya, tinuturuan sila ng mommy at daddy niya na tratuhin ng patas ang lahat ng tao sa mundo. Nang malaman niyang lalaki ang naging boyfriend ng kuya Joshua niya, handa siyang suportahan ito. Hindi rin problema sa pamilya nila kung sino at ano ang pipiliin nilang makasama sa buhay, hangga't masaya ang bawat isa sa mga desisyon nila.

Sa kanyang limang taon sa kolehiyo, maraming magandang nangyari sa kanya. Maraming humahanga sa kanya. Madami ding nagsasabing pwede siyang maging artista.

Halos sa lahat ng larangan ay angat siya. Sa academics, sa basketball, at sa halos lahat ng sports. Exposed na siya sa kanyang kabataan sa mga ganitong laro kaya posibleng mas angat siya.

Seryoso din siya sa mga naging girlfriends niya at hindi niya gagayahin ang pagiging playboy ng kanyang kuya Joshua. Marahil nakikita niyang walang magandang naidudulot ang palaging pagpapalit ng babae kaya wala siyang planong gawin ito.

Nagsimula siyang magka-girlfriend noong second year college na siya at tumagal ito ng siyam na buwan. Nagka-girlfriend siya ulit nang nasa kalagitnaan na siya ng third year college at tumagal ito ng limang buwan. Kahit hindi nagtatagal ang relasyon niya, sineryoso naman niya ito.

Fourth year na niya nakilala si Kate. Isang magandang babae ngunit napakasimple lang nito. Hindi maarte at hindi rin taklesa. Maraming naiinggit kay Kate nang naging kaibigan niya ang isang Joshane. Sinubukan niyang ligawan ito ngunit, hanggang kaibigan lang ang tingin ni Kate kay Joshane. Sinabi na ni Kate sa kanya na wala siyang nararamdaman para sa kanya kundi kaibigan lang. Tanggap naman niya ito at naging magbestfriend sila.

Si Rafael naman ang nag-iisang lalaki sa campus na ayaw na ayaw ni Joshane. Ito lang naman ang dahilan ng hiwalayan nila ng mga girlfriends ni Joshane. Gwapo rin ito at isang kilabot sa architecture department. Astig ito at laging napapaaway sa school. Maraming ayaw sa lalaking ito, lalong lalo na si Joshane. Ilang beses niya itong inintindi dahil patas lang ang tingin niya sa bawat isa sa mundo, ngunit tila "exemption" si Rafael sa paniniwala niya.

Walang hilig sa gulo si Joshane ngunit isang Rafael lang ang nasuntok niya sa campus. Isang Rafael lang ang naging dahilan kung bakit napatawag siya sa campus president's office. Isang Rafael lang ang naging dahilan ng maraming bad experiences niya sa campus. And he hated him so much.

"Oo na. Sinasagot na kita. Ulol ka.", nakangiti ngunit kinabahan si Joshane nang sinabi niya ito kay Rafael. Nasa likod silang dalawa ng sasakyan ni Joshane. Kakatapos lang ng graduation at sinama niya si Rafael para ibigay ang kanyang graduation gift.

Isang malaking ngiti ang ginanti ni Rafael at hinalikan agad sa labi Joshane. Napapikit lang si Joshane at gumanti ng halik sa kanyang "boyfriend".

- End of the Special Chapter -

😍😍😍

Plano ko na po ito matagal na po na bigyan ng kwento si Joshane. Chapter 12 lang po sana ang The Unexpected Arrival pero nagtuloy-tuloy po dahil sa walang sawa po ninyong suporta. I love you guys. 😘😘😘

Baka po hanggang Chapter XXX na lang ang kwento nina Michael at Joshua dahil pumapangit daw po ang kwento kapag masyado nang mahaba. Pero magiging side story pa rin po ang buhay nina Joshua at Michael sa kwento nina Joshane at Rafael. 😊😊😊😘😘😘

May naisip na po akong title sa kwento nina Joshane at Rafael pero i will announce it po sa finale ng kwentong "The Unexpected Arrival".

Maraming salamat guys sa walang sawang pag-aantay at sa taos-puso ninyong suporta. I love you so much guys. 😘😘😘

THE UNEXPECTED ARRIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon