Chapter VII: Ang Huling Araw

2.4K 69 3
                                    


Nagising si Michael saktong alas 6:37 ng umaga. Alas 8 naman ng umaga ang una niyang klase ngayong araw. Kaya tamang tama lang ang gising niya para makahabol sa una niyang subject.

Iminulat niya ang kanyang mga mata at iniikot niya ito sa buo niyang kwarto. Hinanap niya kung andun ba si Joshua. Ngunit di niya ito mahanap. Masakit ang ulo niya. Masakit din ang katawan niya, lalo na ang kanyang mga binti. Bigla niyang naalala ang nangyari sa kanila kagabi ni Joshua. Sa kanyang huling naalala, pinagsaluhan na naman nila ang gabi.

Tumayo siya. Naramdaman niya ang sakit ng kanyang mga binti. Nagsimula na rin niyang naramdaman ang kirot ng kanyang butas. Mahapdi iyon. Saka niya naalala pinasok pala siya. "Sh*t!", tanging nasambit niya.

Kumuha na lang siya ng tuwalya at pumasok sa banyo. Napansin niya rin ang mga kiss marks ng kanyang katawan. Di niya alam ngunit natawa siya sa nakita sa salamin ng kanyang banyo.

"Gago ka Joshua", at ngumiti siya nang makita niya ang mga kiss marks sa kanyang katawan, at naligo.

Matapos makaligo at makapag-ayos, bumaba siya ng kwarto at pumunta ng kusina para kumain. Naramdaman niya ang hang-over dahil masakit pa rin ang ulo niya. Parang nagkaroon siya ng lagnat. Masakit ang katawan at masakit ang ulo. Ngunit kailangan niyang pumasok dahil late na siya sa mga lessons ng lahat niyang subject lalo noong naaksidente siya.

Nang makapaghanda na siya, pumunta na siya sa kanilang garahe para makaalis na sana. Ngunit, wala dun ang kanyang kotse. Saka niya naalala naiwan pala niya ang kotse niya sa bar kagabi. Saka niya rin naalala na sinundo siya ni Joshua kagabi sa bar. Di niya alam ngunit napangiti siya. Iniisip niya na nag-aalala sa kanya si Joshua dahil pinuntahan siya nito kagabi sa bar. Alam din ni Michael na hindi pamilyar si Joshua sa lugar kaya natuwa siya sa ginawang pagsundo nito kagabi sa bar.

Ngunit kailangan niyang pumasok. Ang problema niya ay wala siyang masakyan. Kinuha niya ang phone niya para tumawag na lang ng taxi na magsusundo sa kanya papunta sa bar. Gusto niyang kunin ang sasakyan dun at ito na sakyan niya papunta sa university.

Ngunit nakita niya ang kotse ni Joshua sa garahe. Naisip niyang magpahatid na lang siya kaya dali-dali siyang umakyat sa third floor para magpahatid man lang kahit sa bar lang para kunin ang kotse niya. Alam niyang isang linggo pa si Joshua sa bahay kaya natutuwa siya sa naisip niyang magpahatid-sundo na lang sa boyfriend ng ate niya.

Nahihingal siya nang dumating siya sa third floor. Nasa harap na siya ng pintuan ng kwarto ni Joshua ngunit bigla siyang kinabahan. Kakatok na sana siya ngunit kinabahan siya. Lumipas ang ilang minuto, ngunit di niya mabuhat ang kamay para kumatok. Nang naalala niyang may pasok siya, kumatok na siya dahil kailangan na niyang pumasok. Alam niyang male-late na siya kung tatagalan pa niya.

Unang beses siyang kumatok at binuksan ito agad ni Joshua. Nang makita ito ni Michael, biglang kumabog nang mabilis ang kanyang puso. Di niya alam ngunit para sa kanya, sa oras na yun, sobrang gwapo ng mukha ni Joshua. Bago itong ligo at nakabihis nang maayos. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Sobrang desente ng porma ngayon ni Joshua. Nakasuot ito ng uniporme ng isang pilot. Maaliwalas ang mukha ni Joshua para sa mga mata ni Michael. Tumitig lang siya dito at di na makapagsalita.

"Anong kailangan mo tol?", nagtatakang tanong ni Joshua na nagpatigil sa mga iniisip ni Michael.
Tumaas ang mga kilay nito na lalong nagpakabog ng puso ni Joshua.

Biglang nagising ang diwa ni Michael. "Ay sorry tol. Ngayon lang kasi kita nakitang nakasuot nang ganyan. Ayos ang porma natin ngayon ah. May lakad ka?", tanong ni Michael sa kanya na halatang hinihingal pa.

"Oo, uuwi na ako sa amin ngayon", sagot ni Joshua. "Pasok ka muna dahil di pa ako tapos magbihis", paanyaya nito.

Napawi ang sayang naramdaman ni Michael. Nagulat siya sa kanyang narinig. Parang nabingi siya sa sinabi sa kanya ni Joshua. "Ha? Uuwi ka ngayon? Bakit?", tanong niya habang naglakad papasok sa kwarto.

THE UNEXPECTED ARRIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon