Chapter IX: Ang Pamamaalam

2.1K 52 7
                                    


Nagising si Michael nang tumunog ang alarm clock ng cellphone niya. Katabi niya sa higaan si Joshua na mahimbing pa ang tulog. Saka niya naalala na wala pala siya sa kwarto niya.

Inabot niya ang cellphone niya sa mesa na hindi pa rin tumigil sa kaka-ring dahil pina-alarm niya ito ng alas 2 ng madaling araw. Sasama siya kay Joshua ngayon sa Batangas. Usapan nila na madaling araw sila aalis kaya nagpa-alarm siya nang maaga.

In-off niya ang alarm ng phone niya nang makuha na niya ito. Nang mapatay na niya ito, nilagay niya ulit ito sa mesa. Tiningnan niya si Joshua na natutulog pa rin. Tinitigan niya ang mukha nito at ngumiti. "You are so cute man.", bulong niya sa sarili.

Hinalikan niya ito sa pisngi. "Good morning love", bulong niya habang nakangiti. Ngunit di nagising si Joshua. Hinalikan niya ito sa kabilang pisngi. "Good morning love.", at muli siyang ngumiti. Pero di pa rin nagising si Joshua. "Ah. Ganun ah!", muli siyang natawa sa kanyang naisip.

Dinamihan niya ang halik niya sa mukha ni Joshua. Sa labi, sa ilong, sa noo, sa mata, sa tenga at halos lahat ng parte niya hinalik-halikan si Joshua para lang magising ito.

Nagtagumpay siya. Gumalaw si Joshua at unti-unti nitong binuksan ang kanyang mga mata. Nakita nito ang nakangiting mukha ni Michael na kanina pa titig na titig sa kanya. "Good morning tol", bati niya na halatang inaantok pa. "Anong oras na?", tanong niya na pumikit-pikit pa ang mga mata dahil sa antok.

"Alas 2 na ng madaling araw tol. Bangon ta. Punta na tayo sa inyo", nakangiting sabi ni Michael habang dahan-dahang tumayo para i-on ang ilaw.

Lumiwanag ang buong kwarto at halatang nasisilawan pa sa ilaw si Joshua. Pumikit ito ulit at nagsalita. "Ang aga tol. Alas 3 pa ang alarm clock ng phone ko. Mas excited ka pa yata sa akin.", sabi nito at muling ibinuka ang mga inaantok na mga mata.

"The earlier, the better tol. Maabutan pa tayo ng sobrang traffic sa Manila eh. Weekend ngayon kaya madaming tao.", sambit ni Michael.

"Sige sige. Maligo ka na. Susunod ako.", sabi nito habang iniikot ikot ang ulo. "Inaantok pa talaga ako."

"Gusto mo, chup*in kita para magising ka?", nakangising tugon ni Michael na nakaturo ang nguso sa kanyang alaga.

"Haha. Baliw!", natatawa niyang sagot at tumayo. Lumapit siya kay Michael at naghubad ng suot. "Sige na. Pasok ka na sa banyo. Maligo na tayo", nauna itong pumasok sa banyo.

Natawa lang din si Michael. Naghubad din siya ng damit at sumunod kay Joshua sa loob.

Pagkatapos maligo ay bumalik na si Michael sa kanyang kwarto sa second floor para makapagbihis at makapaghanda na sa mahaba-habang biyahe. Nagdala lamang siya ng iilang damit dahil babalik din siya agad sa madaling-araw ng Lunes. Nang mapagtantong kompleto na ang kanyang gamit, nagsulat siya ng isang mensahe sa isang papel. Lumabas siya ng kanyang kwarto at ipinaskil niya ang papel sa pintuan ng kwarto ng kanilang yaya.

Pinagkakatiwalaan nila ang mga yaya nila sa bahay dahil mahigit sampung taon na itong naninilbihan sa kanila. Di na sila naghanap ng iba pang mga kasambahay. Alam din nilang hindi nangingialam ang mga kasambahay nila sa buhay ng pamilya. Alam na rin ng mga kasambahay nila ang maaaring gawin sa tuwing may pumasok na magnanakaw. Wala silang security guard dahil secured ang kanilang gate at buong bakod ng cctv, at walang basta-bastang makakapasok ng bahay bukod sa imbitadong kamag-anak at kaibigan lamang. Meron din silang kamag-anak na pulis na laging dumadaan at nagbabantay sa kanilang bahay. Kaya panatag ang loob ng pamilya sa kaligtasan nila. Marami silang security guards ngunit nasa mga resorts ito at mga hotels na pagmamay-ari nila. May body guards din ang mommy at daddy niya na kasa-kasama nila sa labas ng bansa.

Nang maipaskil na ni Michael ang papel, bumalik siya sa kanyang kwarto para kunin ang bag. Nakapaghanda na siya at ready na rin ito sa biyahe. Bumaba siya at nag-antay sa sala ng bahay. Mayamaya, bumaba na rin si Joshua na bihis na bihis at may dala itong maleta.

THE UNEXPECTED ARRIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon