Chapter XII: Hindi Inaasahan

1.6K 43 1
                                    

FEW WEEKS AGO...

"Makikita na rin kita sa wakas, Michael. Ang tagal kong hinintay na makita ka. Makakapaghigante na rin ako sayo.", natawa si Joshua habang nagmamaneho ng sasakyan papuntang Pampanga. Araw ng Linggo iyon. Usapan nila ni Charlotte na magkikita sila sa araw na yun, kasama na si Michael.

Nagtext si Charlotte sa kanya na katatapos lang nilang magsimba ni Michael. Sinabi din nito sa kanya na nasa mall sila at dun sila mag-aantay sa isang restaurant.

Madaling araw pa siyang nagbiyahe galing sa Batangas para hindi niya maabutan ang traffic sa Maynila. At heto na nga siya, malapit na niyang makita ang lalaking kinaiinisan niya ng sobrang tagal. Ang lalaking nagsira sa plano niyang ligawan si Chloe. Ang lalaking nagbato sa kanya ng baso sa ulo.

"Ipapakita ko sayo na mahal na mahal ko ang ate mo. Tapos hihiwalayan ko sya. Kulang pa yan sa pagbato mo sa akin ng baso.", galit na sabi ni Joshua. Gusto niyang sabihin ito sa harapan ni Michael.

Mayamaya, dumating na siya sa sinabing mall ni Charlotte. Naghanap siya ng may bakanteng parking area at dun siya nagpark ng sasakyan. Binasa niya ang message ni Charlotte habang naglalakad papasok ng Mall. Hinanap niya ang sinasabi nitong restaurant.

Nang nasa harap na siya ng restaurant, nakita niya ang isang lalaki na nagtatawanan habang kausap ang isang nakatalikod na babae. See through ang glass ng restaurant kaya makikita ng mga tao ang nasa loob. Tantiya niyang si Charlotte ang nakatalikod na babae at sigurado siyang si Michael ang lalaking nakikita niya.

Iniisip niyang malaki na ang kaibahan ng isang Michael at ng isang Michael ngayon. Dati, gwapo ito, matangkad ngunit hindi pa gaano kabatak ang katawan. Ngayon, malalaki na ang muscles nito na halatang babad sa gym, at hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan ng isang Michael. Ngunit, hindi siya natuwa sa iniisip. Paghihigante ang nais niya kaya nandito siya.

Pumasok siya sa loob ng restaurant at nilapitan si Charlotte sa likuran nito. Nagtatawanan pa rin silang dalawa.

"Ahhm, excuse me. Babe?", sabi niya. Pinutol niya ang tawanan ng magkapatid. Ahad namang lumingon si Charlotte sa likod nito at humarap sa kanya. Nakatingin naman si Michael sa kanilang dalawa habang umiinom ng tubig.

Humalik siya sa pisngi ng babae at gumanti din ito sa kanya.

"Babe, this is Michael, my brother.", pakilala ni Charlotte. "And bro, this is Joshua, my boyfriend."

"Nice meeting you bro.", nakangiti niyang sabi sabay buka ng kamay sa harapan ni Michael.

Kinuha ito ni Michael. "Nice meeting you too.", sagot nito sa kanya.

At nagshake hands silang dalawa. Nang maglapat ang kanilang mga kamay, nagsalita ang mala-demonyong isip ni Joshua. "I hereby declare that today starts my revenge sa nagawa mo sa akin. Get ready. Sasaktan ko ang damdamin mo.", at ngumiti lang siya. Ayaw niyang ipahalata na may masama siyang plano.

Mula sa araw na yun, ipinapakita ni Joshua kay Michael na mahal na mahal niya ang ate nito. Hinahalikan niya ito sa harapan ni Michael para kunyari mahal na mahal niya.

"Tol, wag na wag mong saktan tong ate ko ah. Nag iisang kapatid ko yan. Mahal namin yan.", sabi niya kay Joshua nang naglakad na sila sa parking area.

"Tol, don't worry. Mamahalin ko tong babe ko habambuhay.", sabi ni Joshua sabay halik at yakap kay Charlotte. Gusto niyang ipakita ang sweetness niya.

"Tigilan niyo yan. Di na kayo nakakatuwa.", sabi ni Michael na halatang nagbibiro. Ngunit ngumiti lang sila at nagpatuloy sa paghahalikan. "Charlotte, akin na ang susi. Maghotel muna kayo. Tapusin niyo yan doon.", nakangiting wika ni Michael.

THE UNEXPECTED ARRIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon