Chapter X: Ang Pagdadalamhati

1.6K 51 2
                                    

Nang mapansin ni Michael na bumalik na sa higaan si Joshua, kinuha niya ang bag at dali-dali siyang nagbihis. Ang lalim ng iniisip niya. Sobrang disappointed siya kay Joshua. Ayaw niya itong makausap. Ayaw din niya itong makaharap dahil baka mababasag niya ang pagmumukha nito. Gusto niyang puntahan ang ate niya. Gusto na niyang umalis sa mansyon at magpaalam na.

Ngunit nagngingitngit siya sa galit. Di niya napansin na unti-unting dumadaloy ang mainit na butil ng kanyang mga luha sa kanyang mukha. Nanginginig din ang mga kamao niya at handa na itong isuntok sa pagmumukha ni Joshua.

Hindi pa rin siya humarap kay Joshua. Ang daming tumatakbo sa kanyang isipan na naging dahilan para di siya makapag-isip nang maayos. Minsan lang nagtext nang ganun ang kapatid niya kaya walang dahilan na binibiro siya nito. Wala siyang mahanap na sanhi kung sakaling binibiro man siya nito.

Disappointed siya. Tinuring niyang special na tao si Joshua kaya aminado siyang ito ang totoong rason kung bakit siya nasaktan. Kung ibang lalaki lang ang nanakit sa ate niya, hahayaan niya lang ito. May maliit na parte ng utak niya ang nagsusumamong sana hindi totoo ang text ni Charlotte. Ngunit naghahari sa kanyang isipan ang pagkadismaya at pawang pagkabigo.

Tuluyan nang tumulo ang luha niya. Pilit niya itong pinipigilan ngunit di niya ito mapigil. Sobra siyang nasaktan na di niya akalain na ganun kasakit. Iniisip niyang nasayang lang ang tiwala, pagkakaibigan at ang mga masasayang alaala na pinagsaluhan nila ni Joshua.

Mayamaya, di niya napansin na lumapit pala sa kanya si Joshua at yumakap ito mula sa kanyang likuran. Sobrang higpit ang yakap nito sa kanya. Napansin din niyang umiyak ito dahil naramdaman niyang nababasa ang batok niya.

"Please, wag ka umalis tol. Let me explain.", bulong ni Joshua. Mamasa-masa ang boses nito na halatang umiiyak. Naramdaman din ni Michael na mas humigpit pa ang yakap nito sa kanya.

Pagalit na natawa si Michael. "Gago ka.", galit niyang sabi. Nagpupumiglas siya at buong-lakas na umalis mula sa pagkakayakap kay Joshua. Nagtagumpay siya. Nakaalis siya mula sa pagkakayakap sa kanya ni Joshua. Ngunit hindi pa rin niya ito kayang harapin. Ayaw niya ring masuntok ito.

Huminga siya nang malalim at pinunasan niya ang kanyang mga luha. Madaming sinasabi si Joshua ngunit ni isang salita ay wala siyang narinig. Kinuha niya ang bag at mabilis na naglakad palabas ng kwarto. Nang makalabas na, isinara niya ang pinto at pilit na pinakalma ang sarili. Ayaw niyang mahalata ng mga tao sa mansyon na hindi siya okay. Ayaw niyang makita nila na umiyak siya. Huminga ulit siya nang malalim at mabilis na naglakad palabas. Malaki man ang mansyon, naaalala pa rin niya kung paano siya lumabas.

Nang matunton niya ang malaking pinto papunta sa labas ng mansyon, nakita siya ni Joshane. Huminto siya sa paglalakad at pilit na pineke ang ngiti para di siya mahalata.

"Kuya Michael. Aalis po ba kayo?", tanong ng binata sa kanya. Labinlimang taong gulang na si Joshane at kasalukuyang highschool student.

Sinigurado ni Michael na di siya mahalata ni Joshane kaya naghanap siya ng katanggap-tanggap na alibi. "Joshane, natutulog si Kuya Joshua mo. Ayaw ko siyang gisingin dahil napagod yun sa biyahe. Aalis lang sana ako para bumili ng pang-regalo sa mommy mo.", sabi niya. Sinigurado din niyang kapani-paniwala ang mukha niya. Di niya alam kung saan yun nanggaling ang alibi niya. Wala na siyang ibang maisip basta gusto na niyang umalis sa mansyon.

"Ganun po ba kuya? Ipapahatid ko na lang po kayo kay Manong Lito. Siya po ang driver namin.", sagot ni Joshane na halatang napaniwala ni Michael.

Umobra ang alibi ni Michael dahil napaniwala niya ang binata. Tumango lang siya at sinamahan siyang lumabas ng bahay ni Joshane.

Nang makalabas ng bahay, andun na sa labas ang sasakyan at ang driver nito. Nilapitan ni Joshane ang driver at sinabi nito ang sabi sa kanya ni Michael. Mayamaya, binuksan ng driver ang sasakyan hudyat na maari na siyang pumasok sa loob. Ngunit bago siya pumasok, lumingon siya ulit sa mansyon baka sa huling sandali ay makita niya si Joshua. Subalit hindi niya ito nakita. Di niya alam ang naramdaman. Parang tutulo ulit ang mga luha niya kapag naiisip si Joshua. Pero pinigilan niya. Nandun pa si Joshane at ayaw niyang makita ito ng binata.

THE UNEXPECTED ARRIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon