Chapter XIV: Ang Pag-amin

1.7K 30 2
                                    

Excited nang umuwi si Charlotte sa bahay nang gabing iyon. Gusto niyang isuprisa ang kapatid niya sa kanyang biglaang pag-uwi. Hindi niya ito tinext o tinawagan man lang para masurprisa ito sa kanyang pag-uwi.

Alam niya sa kanyang sarili na pilit na nagbabago si Michael. Binabago nito ang sarili. Hindi niya lubos maisip na isang aksidente pala ang magpapabago ng buhay nito. Kahit nasaktan din siya sa ginawa ni Joshua, masaya na rin siya dahil nakatulong din iyon na lalong maisip ni Michael na hindi dapat pinaglalaruan ang damdamin ng mga babae. Kaya kahit hiwalay na sila ni Joshua, kahit nasasaktan pa siya at galit, iisipin niya muna ang pag-aalaga niya sa kanyang kapatid.

Nang nasa harap na siya ng bahay kinuha niya ang remote at binuksan niya ang gate. Nang makapasok na siya sa loob, sinirado din niya agad ang gate. Ngunit, nagulat siya nang makita ang isang pamilyar na sasakyan sa loob ng kanilang garahe. Kilalang-kilala niya ang sasakyan na yun - kay Joshua. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya.

"Why is he here?", nagtaka siya. Kumunot ang kanyang noo dahil hindi niya matukoy ang dahilan kung bakit andito ang sasakyan ng "ex-boyfriend" niya. "Baka may naiwan lang na gamit", sagot niya sa sarili na pilit pinapakalma.

Kinuha niya ang gamit sa loob ng kotse at naglakad pagkatapos. Dahan-dahan siyang naglakad papasok ng bahay. Tahimik sa sala. Tahimik sa kusina. Kaya umakyat siya sa second floor hanggang sa third floor. Ipinasok muna niya ang mga gamit sa loob nga kanyang kwarto bago niya hinanap si Joshua.

Pinuntahan niya ang Guest's Room sa third floor at binuksan niya agad. Ngunit wala dun si Joshua. Nagtaka siya. Bumaba siya sa second floor dahil iniisip niyang andun si Joshua. Gusto niya itong tanungin kung ano ang ginawa nito sa bahay.

Nang mapadaan siya sa kwarto ni Michael, narinig niya mula sa pinto ang isang malakas na ungol. Hindi niya masyadong narinig kaya idinikit niya ang kanyang kanang tenga sa pinto. Hindi siya maaring magkamali. May ginagawa ang kapatid nito sa loob.

Hindi niya kayang isipin na si Joshua ang kasama ng kapatid niya sa loob ng kwarto kaya naglakad siya nang dahan-dahan papunta sa katabing Guest's Room. Ngunit wala doon si Joshua.

Madaming tumatakbo sa kanyang isipan ngunit hindi niya iyon kayang isipin. Ayaw niyang isipin na nagtatalik sa kwarto si Joshua at Michael.

Bumalik siya sa labas ng kwarto ni Michael at muli niyang idinikit ang kanyang tenga. Soundproof ang bawat kwarto ng bahay nila kaya mahirap pakinggan kung nasa labas ka. Ngunit kapag nasa loob ka ng kwarto, naririnig ang sigaw mula sa labas ng kwarto maging ang pagkatok nito.

Kahit anong pilit gawin ni Charlotte ay hindi niya talaga masyadong naririnig sa loob. Kaya, dahan-dahan niyang binuksan ang door knob. Ayaw niyang makagawa nang kahit konting ingay pero curious siya. Iniisip niyang sisilip lang siya.

Kinakabahan siya at nanginginig ang kanyang mga kamay nang makitang bukas ang door knob. Hindi ito naka-lock. Binuksan niya nang konti at nakita niya mula sa pintuan ang ginagawa ni Michael, kasama si Joshua. Lumakas ang tibok ng kanyang puso. Kahit nanginginig ang mga kamay, dahan-dahan niyang sinara ulit ang pinto. Nagtagumpay siya. Hindi siya nakagawa ng anumang ingay. Ngunit, hindi niya maintindihan ang sarili. Nakatulala lang siya sa labas ng kwarto ni Michael. Mayamaya, napansin niyang dumadaloy na ang mga luha sa kanyang pisngi. "This is not real", bulong niya sa sarili.

Pakiramdam niya, nakalutang lang siya habang naglalakad paakyat sa third floor. Walang tigil ang pagtulo ng kanyang mga luha. Madaming tumatakbo sa kanyang isipan ngunit hindi niya alam kung ano ang uunahin niyang bigyang pansin.

Nang makapasok na siya sa kwarto, humagulhol siya nang iyak. Mas tumulo pa nang tumulo ang kanyang mga luha. Hindi niya akalain na may namamagitan kay Joshua at Michael. Hindi niya maintindihan. Alam niyang straight ang kanyang kapatid. Alam din niyang straight si Joshua. Ang dami niyang tanong ngunit puro ito walang sagot. Wala siyang makuha-kuhang sagot. Ang pakiramdam niya, niloko din siya ng kanyang kapatid. Iniisip niyang baka magaling na rin ito ngunit tinatago lang.

THE UNEXPECTED ARRIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon