Chapter XI: Ang Pananabik

1.8K 43 3
                                    

Gabi na dumating si Michael sa bahay. Pagod na pagod siya at gusto niyang matulog. Di pa rin nawawala ang bigat na kanyang nararamdaman. Kahit ayaw niya itong pansinin, kusang bumabalik sa kanyang isipan ang mga alaala na kasama si Joshua.

Una niyang nakilala si Joshua nang nasa Mall sila kasama si Charlotte weeks ago. His first impression about Joshua was right. Manloloko nga ito. Kahit hindi niya pa nakausap si Charlotte, naniniwala siya sa sinasabi ng kapatid.

Sa loob ng maikling panahon, hindi niya akalaing mahuhulog ang loob niya dito. Hindi niya inakalang kay Joshua niya ibibigay ang una niyang experience sa lalaki. Wala sa plano ang lahat. Maybe, it was destined to happen, sabi ng isip niya.

Pagpasok niya sa kwarto ay parang hinihila siya ng kanyang kama para mahiga. At ganun nga ang nangyari. Humiga siya agad nang dumating siya. Hindi na siya nakapagbihis. Hindi na siya nakaligo. Gusto na niyang magpahinga. Gusto na niyang pumikit at matulog na.

"Enough for wasting your tears. He does not deserve it.", bulong niya sa kanyang sarili habang nakahiga na nakaharap sa kisame. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at pinilit na makapag-isip nang maganda para makatulog na siya. Ngunit tila isang imposibleng bagay ang ginawa niya. Hindi siya kayang patulugin ng mga alaala niya kasama si Joshua.

Muli niyang iminulat ang mga mata niya. At nilingon-nilingon ang ulo niya sa loob ng kanyang kwarto. Huminga siya nang malalim at tumayo mula sa pagkakahiga. "Sh*t. I see Joshua everywhere in this room.", bulong niya sa sarili.

Naalala na naman niya ang unang gabing pinagsaluhan nila dito sa loob kanyang kwarto. "F*ck! I need to transfer a room temporarily.", dagdag niyang bulong sa sarili. Alam niya at nasisigurado siyang hindi siya makakatulog kapag dito siya sa loob. "G*go ka Joshua. Anong ginawa mo sa akin?", bumuntong hininga siya.

Naglakad siya palabas ng kwarto at pumunta sa Guest's room na katabi ng kanyang kwarto sa second floor. Binuksan niya ang pinto at pumasok. Hindi naman ito naka-lock dahil Guest's Room ito.

Nang makapasok na siya, dali-dali niyang hinubad ang mga damit niya at pumasok sa banyo para maligo muna bago matulog.
_______________________

Kinabukasan, nagising si Michael nang marinig niya ang katok ng kanyang ate sa kabilang kwarto. Tantya niya, hindi alam ng ate niya na nasa Guest's Room siya natutulog na katabi ng kanyang kwarto. Ni-lock niya yun kaya alam niyang hindi iyon mabubuksan.

Inabot niya ang cellphone niya na nasa mesa at tiningnan ang oras. Alas 10 na pala ng umaga. Napansin din niyang nakabawi na siya ng tulog. Hindi na masakit ang katawan at ulo niya. Pakiramdam din niya hindi na mabigat ang kanyang pakiramdam matapos niyang makatulog nang maayos. Nagtagumpay siya, nakaya niyang matulog na hindi iniisip si Joshua.

"Sh*t! Naalala ko na naman siya. Hahay!", huminga siya nang malalim at tumayo. Ibinalik niya ang phone niya sa mesa at nagbihis ng damit pang-itaas. Nakasuot na siya ng shorts kaya t-shirt na lang ang sinuoy niya.

Napansin din niyang hindi na kumakatok ang ate niya sa kabilang kwarto. Wala na siyang narinig. Iniisip niyang baka pumasok na muna ito sa kanyang kwarto sa third floor. Lumabas siya ng Guest's Room at pumunta sa third floor para makipagkita sa kanyang ate.

Tamang-tama ang dating niya. Hindi pa nakapasok si Charlotte sa kwarto nito. Nasa labas pa ito at abala sa paghahanap ng susi ng kwarto niya sa kanyang dalang bag.

"Good morning sis", bati niya habang papalakad papalapit kay Charlotte. Kitang-kita niya ang lungkot ng mga mata nito. Halatang naaapektuhan ito sa hiwalayan nila Joshua.

Lumingon sa kanya si Charlotte at humalik sa kanyang pisngi. "Good morning too bro. Kagigising mo lang ba?", tanong nito.

Nakita na nito ang susi sa loob ng kanyang bag at ipinasok na sa door knob ng kwarto.

THE UNEXPECTED ARRIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon