Chapter III: Ang Unang Gabi

2.9K 75 6
                                    


Michael's POV

"Nice meeting you too".

Di ko alam kung ano ang nararamdaman ko nang maglapat ang mga palad namin ng lalaking kaharap ko ngayon. Di ko to kilala. Ngayon ko pa to nakita. Pakiramdam ko, parang babaero din ang lalaking to. Parang lolokohin din ng lalaking to ang mahal kong Ate. Di ako papayag. Di pwedeng gagawin niya sa ate ko ang mga ginagawa ko sa mga babae ko dati. Mahal ko ang ate ko. Mahal ko ang pamilya ko. Sila lang ang kayang intindihin ang mga katarantaduhan ko.

"Bro? Michael?", narinig kong boses na nagpabalik sa sarili ko. Ang lalim na pala ng mga iniisip ko.

"Ahh, sorry. May iniisip lang ako.", saka ko pa napansin na nakahawak pa ang kamay ko sa kamay ni Joshua. Nginitian ko na lang sila at pinapaupo.

"Are you okay bro? Seems like you're not.",tugon ng ate ko sa akin na mukhang nag aalala.

"Yes, i am fine sis.", sagot ko naman sa kanya. "May iniisip lang ako."

"Promise ah. Okay ka lang.", paninigurado ng ate ko.

"Oo nga." sabi ko sabay ngiti sa kanilang dalawa. Ngumiti din naman si Joshua.

"By the way. I am Joshua Yu. 24 years old. Pilot.", pakilala niya nang napansin niyang nginitian ko sya.

"Yeah. Naikwento ka na ng sister ko". Ngumiti si Charlotte at humarap kay Joshua.

"Sorry babe. I am just proud to have you.", sabi ni Charlotte sabay halik sa labi ni Joshua.

"Ahemm. Get a room.! Not here, sis.", pabiro kong sabi sa kanilang dalawa. Tumawa lang kami at saktong dumating na ang inorder namin. Kumain na kami at pinagpatuloy ang usapan.

Sa nakikita ko, mukhang astig tong si Joshua. May itsura din. Maputi ang balat. Matangkad ng konti sa akin. Mukha namang matipuno. Matangos ang ilong. Maitim ang buhok. Mukhang may abs din gaya ko.

Sandali nga. Bakit ko ba siya binibigyan ng pansin? Insecure ba ako sa kanya? Hindi ah. Naninigurado lang ako. May naamoy talaga ako sa taong to. Sana di siya gago kagaya ko. Di ko siya mapapatawad kapag niloko niya ang Ate ko.

Di namin namalayan, alas 3 na pala ng hapon. Sa dami naming pinag uusapan, halos lahat tungkol sa mga plano nila sa buhay. Ako, makapagtapos lang sa kursong to at maging kagaya ng mga magulang ay enough na sa akin.

Ayoko munang mag-asawa. Dahil 22 pa ako. Kung hindi lang ako palipat lipat ng kurso ay baka kumikita na ako ng pera ngayon. Pero okay na yun. Ngayon, magtitino na ako sa pag-aaral. Pero sa babae, hahanapin ko pa ang the right one.

Ipinapangako ko sa sarili ko, kung sino mang babae ang makakapagpagaling sa akin, siya na ang mamahalin ko habambuhay. Aalagaan ko siya at pagkakaiingatan. Hindi na ako maghanap ng iba pa. Pangako yan. Yan din ang dasal ko kanina sa simbahan.

Sa totoo lang, masaya ako na makitang masaya ang ate ko. At least hindi siya ang nakatanggap ng karma sa mga pinagagawa ko. Pero parang may mali sa lalaking to. "Tol, wag na wag mong saktan tong ate ko ah. Nag iisang kapatid ko yan. Mahal namin yan.", sabi ko kay Joshua nung naglakad kami papunta sa parking lot.

"Tol, don't worry. Mamahalin ko tong babe ko habambuhay.", sabay yakap at halik sa labi ng ate ko.

"Tigilan niyo yan. Di na kayo nakakatuwa.", pabiro kong sabi. Nakangiti lang sila at nagpatuloy sa paghahalikan. "Charlotte, akin na ang susi. Maghotel muna kayo. Tapusin niyo yan doon.", nakangiti kong wika sa kanila.

Kinuha ni Charlotte ang susi sa bag niya at inihagis sa akin. "Keep safe bro. Mauna ka na umuwi. Magpapahatid lang ako kay Joshua.", sabi niya.

"Sige. Ingat kayong dalawa." At naglakad na akong mag-isa papunta sa kotse. Sila naman, nasa ibang direksyon dahil nasa kabilang dako ng parking lot nag-park si Joshua ng sasakyan.

THE UNEXPECTED ARRIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon