05

138 8 1
                                    


"Ready?" Tanong ni Khaos na nasa tabi ko.

Nakatayo kami dito sa labas at pinagmamasdan ang venue. Ang lawak atang daming taong nakapila na para rito, mukhang handang-handa na at sabik ang lahat. Even me!

Huminga ako ng malalim. Tumingin sa kanya at ngumiti. Ngumiti ito pabalik, Shocks.

Excited lang ba ako o may ibang epekto ang ngiti niya? 

Pumila kami sa pang VIP dahil iyon pala ang kinuha niyang ticket. Nang makapasok kami ay namangha ako sa set-up ng stage ang ganda rin dahil may poster na nakalagay ang mga iba't-ibang album nila. Meron din akong natanggap na flyers pinamimigay ng staffs at ibang fansclub. 

"Hi, saan niyo nabili 'yong headband niyo?" Nakangiting tanong ko sa dalawang babae na nakatayo sa likod namin.

May suot kasi silang cute na headbands na neon, I want one. Sinabi nila na sa gate one daw.

"Bili lang ako, ah?" Paalam ko kay Khaos.

"Balik ka agad, the concert may start anytime soon," Paalala niya, ngumiti ako at nag wave sa kanya, tumango lang siya.

Iniisip ko minsan hindi ba siya napapagod tumango  iyon lang kasi ang madalas niyang sagot. Ang mahal ng salita niya.

Nang makabili ako ay inabot ko sa kanya ang isa na kulay pink. Pareho kami, dalawa kasi binili ko baka gusto niya rin.

Tinaasan niya 'ko ng kilay.

"What would I do with this?" Nakataas na kilay niyang tanong.

"Malamang susuotin mo 'no!" Umirap ako sa kanya.

"Ayoko, I'm not a kid like you." Walang prenong saad niya.

"Hoy excuse me?!" Tumaas ang boses ko pati tuloy kilay niya tumaas. "Wala excuse me lang bakit ba." Pigil ko sa sarili ko, takot na bawiin ang ticket sa akin, andito na ako 'no! I need to behave.

Sinuot ko ang akin at nag take ng selfie hindi pa naman nag-sisimula ang concert. Tumingin ako sakanya pero hindi niya parin suot ang iyong headband na binili ko. Nakakainis naman! Cute pa naman. Napanguso tuloy ako.

"Hoy,  suot mo na kasi." Pangungulit ko rito. Hindi niya ako pinansin, nagbibingi-bingian ito kahit halata namang rinig na rinig niya ako.

"Please?" Nag puppy-eye pa ako!

Ginawaran niya ako ng isang ngiwi na parang nandidiri sa itsura ko. 

"Okay susuotin ko just stop that. It's disgusting." Turo niya ang mukha ko.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya na disgusting kasi aware naman ako. It's not cute with me daw, Edi wow.

"Ayan, you look cute!" Pumalakpak pa 'ko dahil naaaliw ako sa kaniya.

I took my phone out of my pocket and open the camera. I spread my arms infront of us at itinagilid ng konti para maganda ang aura.

"Yey, Selfie! Smile ka," Nag smile ako sa harap ng camera at nagwacky pa ako.

Tinignan ko 'yung picture pagkatapos. Napasimangot ako ng makitang ako lang ang masaya sa picture. Humarap ako sa kanya at nakitang tumitingin din ito sa cellphone ko.

"Hindi ka masaya girl? Member ka ba ng Fierce? May galit sa mundo? Haynako," Umirap pa 'ko pero rinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Airdrop." Request nito.

"Hay, ang cute nila sana all." Rinig kong sabi ng nasa likod namin.

Napatingin kami rito at samin din siya nakatingin. Nagkatinginan kami ni Khaos at parehong napa-iling nalang. Tsk, ang issue talaga ng mga tao, hindi ko naman jowa 'to.

Safe at NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon