14

81 5 0
                                    

Nagising ako na meron agad na iniisip. I stared at the plain white ceiling, as if my thoughts are written there.

Hindi ko alam kung nag-iilusyon ba ako dahil lasing ako o lasing lang talaga ako at napanaginipan ko iyon kagabi. Ang gulo tuloy.

Pero bakit naman ako mananaginip ng ganoon? at malayo naman siguro na nag-iilusyon ako! Oo, lasing ako pero hindi ako ganoon. Tanda ko ang mga nangyayari sakin, susuka lang pero di magkaka amnesia.

"I don't know how do you define ideal girl, Nighty."

Napahilamos ako sa mukha ko. Pati tunog ng boses nakatatak sa isip ko at tila ba may bumubulong! Walangya naman.

"But maybe, Someone who will accept me from who I am. Someome who will embrace all my flaws and past mistakes. Someone who will understand me...who will eventually understand how fucked up my life is. Someone I can share my sorrow and happiness. Someone who will make me a better person."

Umupo ako sa kama at ginulo ang buhok ko sa inis! Hindi ako nanlilimot pero talaga bang sinabi niya 'yan?

Oo, tinanong ko siya pero lasing ako! Bakit ba ang lakas ng loob ko? Tanga 'ko madalas e.

"Someone like you."

Napapikit ako at hinilot ang gilid ng noo ko. "Good morning pucha," Bulong ko sa sarili ko.

Bakit ko ba kasi tinanong iyon kagabi? Kinakabahan tuloy akong lumabas, buti nalang at wala siya dito sa kwarto! Napapadyak ako sa frustration.

Huminga ako ng malalim. Tumayo ako at inayos ang kama. Inayos ko ang pagkakalagay ng blanket at nilapat ng maayos iyon sa kama, pinagpagan ko rin ang mga unan at nilagay sa pwesto.

I put my hair into messy ponytail, buti nalang at lagi akong may dala-dalang hair tie. Tinignan ko ang sarili ko.

Ngayon ko lang nakita na may suot suot na pala akong malaking shirt, kulay light brown. Sa pagkakatanda ko ay naka red na tube lang ako kagabi? Tinignan ko ang panloob ko, buti nalang at nandoon pa. Pinatungan lang siguro ako ng damit. Buti at hindi ako nagising?

Pumasok muna ako sa CR at nag hilamos doon, wala naman siyang gamit pang skin care kaya hindi ako nakagamit. Buti nalang at may extra toothbrush siya na hindi gamit kaya may nagamit ako.

Lumabas na ako at binuksan ang pintuan. Agad ko naman siyang nakita na nakaupo sa may sofa, nanonood ng TV hawak-hawak ang tasa. Coffee? Siguro.

"Someone like you."

Iniling ko agad ang ulo ko, shaking off the thoughts. Nakakunot naman ang noo niya na nakatingin sa akin. Na w-weirduhan sakin.

Ngumiti ako ng alanganin sa kanya. "Good morning?"

"Morning," He replied.

Naglakad ako papunta sa kusina. "You changed my clothes?" Tanong ko.

"Yeah, Don't worry I didn't touch anything," Wika niya.

Tumalikod ako para matignan siya, nakasunod na pala ito sakin papuntang kusina. "Dapat lang 'no!"

"Wala naman kasi talaga," He rolled his eyes at tinignan ang dibdib ko.

Nakaharap na kasi ako sakanya at patalikod na naglalakad. Napatingin din tuloy ako sa dibdib ko. I pouted, wala nga.

"Whatever!" Asar na sabi ko at umupo sa breakfast table.

"Hangover?" He asked while holding his cup of coffee.

Umiling agad ako. "No, nasuka ko na kagabi, Remember?"

Safe at NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon