37

81 3 0
                                    

"Oh, bihis na bihis saan punta?" Dad asked when he saw me wearing dress and heels. Wala siyang work ngayon kaya nakabihis silang dalawa ni Dion para mag laro ng basketball. 

I smiled at him. "I have a date."

Tila nagulat pa ito dahil nanlaki ang mata niya at napa awang ang bibig nito. "For real?"

Napairap ako rito, akala niya ba nagbibiro ako? "For real. First date though, let's see kung anong mangyayari." I shrugged. 

I met Kayden around Makati, nag presinta itong sunduin ako pero sabi ko ay nasa pampanga ako. Hassle naman kung pupunta pa siya rito kaya I told him to meet me around Rian's condo.

"Is this a date?" Natatawang tanong ko habang naglalakad kami sa mall, naka akbay ito sa akin. 

"Yeah, like a teenager. Mga highschool lovers ganoon," Nagkibit balikat pa ito. "As if you didn't do that, Vanilla."

"True that," I chuckled. 

Isa lang naman ang naging boyfriend ko and yes, mall dates is our things before.

We watched movie pero hindi rin kami nagtagal. The movie is too much relatable for me. It reminds me of my past kaya napatayo ako at nagpaalam na mag ccr lang but Kayden followed me at naglakad lang kami paalis ng cinema. I didn't even go to bathroom dahil excuse ko lang naman 'yon kanina. 

I can't blame myself, can I? Even though I told everyone that I moved on there's still part of me na hindi.Tinanggap ko  na hindi na talaga pwede, na tapos na kami pero there's still times na maaalala ko siya, kami.

I shrugged off the thoughts on my head at binalik ang tingin kay Kayden. Diretso ang tingin nito at nakatulala muntik na nga itong makatama ng tao buti nalang at hinigit ko ito. Nanlaki pa ang mata nito. 

"Lalim ng iniisip mo, ah?" I said. 

Napakamot ito sa ulo niya at ngumiti ng tipid. "Ah, yeah. Sorry."

Nagkibit balikat lang ako. "Ayos lang. Starbs? So we can rest." I suggested.

Sumangayon naman ito kaya doon kami nagpunta at siya na ang bumili ng drink. Libre daw e. Siya na rin ang nag-order kahit mukha itong lutang habang nakapila.

"I'm sorry about earlier," He said as he sat down.

"Ayos lang pero lalim ng iniisip mo kanina ah?"

"Halata ba?" Nahihiyang tanong niya.

Napatawa ako. "Oo, muntik ka na ngang makatama hinigit lang kita."

Sumandal ito sa upuan at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "May naiisip lang, ikaw sabi mo mag C-CR ka, bakit hindi ka natuloy?"

"Excuse ko lang 'yon." Pag-amin ko.

Magsasalita sana ito nang tawagin siya ng barista kaya natayo muna ito para kunin ang order amin. Dala-dala ang tray, nilapag niya iyon sa lamesa. He gave me what I  ordered and pushed the cinnamon roll plate infront of me.

He sat down again and sip on his coffee before speaking up. "You didn't like the movie?" He asked. Sasagot sana ako ng magsalita siya ulit. "Sabagay 'di naman marunong umarte 'yung lalaki tapos pangit pa. Psh, di bagay doon sa  bidang lalaki."

Kumunot ang noo ko rito. "Huh? Marunong naman siya ah gwapo din." I said.

"Di rin," Hindi pag sasang-ayon nito at iniwas ang tingin.

"Ang bitter mo. Feeling ko tuloy may something fishy." Pinagsingkitan ko ito. "Ex mo ba 'yung bidang babae?"

Nanlaki ang mata nito't napatingin sa akin. "Huh?"

Safe at NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon