29

55 2 0
                                    

"I told you, Khaos. I'm not gonna make it tonight," Ngumuso ako habang tinitignan ang TV na nagbibilang ng subscriber.

Naghihintay kami ngayon na umabot ng 500k ang subscriber ko, I think i won't make it. 11:30 na rin naman ng gabi.

Nakaupo kami sa sofa habang tinititigan ang TV.

Pinitik ni Khaos ang noo ko, tumingin ako rito ng nay gulat at tinignan siya ng masama.

"Tatlo nalang ang kulang, dumbhead."

Tumawa ako ng malakas dahil sa pag-irap niya na tila ba inis na inis siya sakin. Kala mo naman may regla!

"I won't make it tonight," Pag-uulit ko, inaasar lang siya.

"Shut up, Vanilla," Mas lalo akong natawa ng malakas dahil tinawag ako nito sa pangalan ko at hindi night, hudyat na puno na ito sakin.

He pulled me closer to him and put his arms around my neck, like his going to kill me.

"I'm not gonna make it," Natatawang asar ko rito.

Kanina ko pa kasi inuulit-ulit ang katagang 'yan at tila ba narindi na ito sakin.

Tinuro ko ang TV. "See! It's decreasing," Asar ko rito kahit hindi naman bumababa ang bilang.

"Don't you know how to count?" He hissed.

"Daddy, I don't," I teased him.

"Daddy the fuck," He sounded so disgusting na lalong nagpatawa sakin, ang sakit na ng tiyan ko!

And that same night, We celebrated my 500k subscriber kahit nakatopak si Khaos. My friends congratulated me and my family, nagpapalibre pa nga sila!

Especially Jian and Kalie. Kahit daw mag mukbang nalang kami.

After submitting my paper works sa prof namin ay nagmadali akong bumalik sa dorm upang mag palit ng damit at mag-ayos.

I wore something formal and heels at inayusan ko rin ang mukha ko. I'm having a talk today sa isang sikat na school rin dito sa La Glance.

They just texted me last week asking if i'm okay doing a talk about the youth organization. Pumayag naman ako dahil matagal ko na rin gustong gawin 'to.

Ngunit hindi matatanggal ang kaba na nararamdaman ko kahit ganoon pa man. I still feel nervous and felt like my muscles as shaking in fear facing a lot of youth later.

Binitawan ko ang curler matapos kong matapos ang buhok ko, kinuha ko nalang heels at bag ko tsaka ko ito isinuot.

Khaos can't come with me right now dahil may chapter exam sila sa major nila but he told me to call him bago ako umalis so I reached for my phone and dialed his number.

"Hi," Bungad nito.

"Where you at?" I asked.

"Freedom lane, reviewing."

I made sure to close all the appliances before reaching for the door to go.

"Kinakabahan ako," I bit lips habang naglalakad sa hallway ng dorm.

"You're about to go?"

"Hmm, feeling ko mamemental block ako," Ngumuso ako at naimagine iyon.

Ugh, Lord, sana po wag.

"Calm down, first. You're going to do well, okay? Don't worry too much."

"How can I calm down?" 

"Hindi ko din alam," I heard him chuckled over the line.

"Para naman gago e," I pouted. "K, bye i'll hung up now," Pag-papaalam ko.

Safe at NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon