10

115 6 0
                                    

"Are you sure of this Vani?" Ma'am Jessa asked, The Manager.

Kahit ayoko namang umalis sa Late Night's ay wala akong choice. Mom and I had a deal. It's for my sake. Kahit masakit iwan 'yung mga nakasanayan mas mabuti na siguro 'to if it makes me better. Lalo na with my health ngayon.

"Yes, Ma'am. I'm sorry for the sudden changes po. I apologized. Wala man lang po 3 months sa pag t-trabaho ko."

"Okay, if that's your decision. I'll respect it. Sayang lang at isa ka sa hard working employee together with the Aina. Kayong mga night shift." There's sadness in her eyes I can see it.

"Oo nga po e, Tsaka napamahal na po sakin ang mga co-workers ko. Mahirap din po silang iwan. If I just...I mean, If It doesn't affect my health gugustuhin ko pa pong mag trabaho dito but my Mom won't let me anymore." I said with a sad voice.

Really, I love my job here. Nakakapagod? Sobra. Being around with people who makes me laugh, To be around with people who have so much passion on working for theirselves, To be with people who have a lot of different story that will surely inspire you, iba e. It's so inspiring, fulfilling and the love that i'm feeling is different.

"It's okay, Vani. It's nice working with you. Thank you for serving Late Night." She smiled and extended her arms.

I reached for it and we shake hands. "It's my pleasure. Thank you din po, I learned a lot." She nodded and genuinely smiled at me.

Nag-paalam na 'ko kukunin lang ang gamit ko sa may locker at para makapag-paalam na din kina Aina.

Pagkarating ko sa locker ay nandon silang apat. Aina look so sad. Nginitian ko ito. Natahimik ang lahat while looking at me.

"Bakla!" Jian screamed. Nagulat kaming lahat sa kanya. Hinampas ko ito at binatukan naman ni Jeric.

"Gaga ka! Nanggugulat!" Reklamo ko dito.

"Bakla bakit ganon! Iiwan mo na kami? Di mo na kami mahal? Am I not enough? Pangit ba 'ko? Kapalit-palit ba ko? Then why?!" Pagdadrama nito at may nalalaman pa siyang pa walling sa may locker.

"Jianna manahimik ka nga!" Suway ni Jeni.

Pero hindi huminto si Jian, Tumalon talon pa ito na parang tanga.

Kanina ang lungkot lungkot niya tapos ngayon nagtatalon sa tuwa!

"Omg! Jianna! Gusto ko 'yon bading! Jianna Gacusan." He said habang maarteng winawagayway ang kamay.

"Oo, Jianna Romualdo. Ganda diba?" Pagbasag sa kanya ni Jeric.

Humarap sa kanya si Jian at sinamaan siya ng tingin. "Puta ka."

Aina's didn't bother to listen sa away nila. Pumunta ito sa direksiyon ko at hinawakan ang kamay ko.

"Aalis ka na talaga?" Malungkot na tanong niya.

I smiled a little. "Sorry."

"Wag ka ngang mag sorry wala ka namang kasalanan." Sabi nito. "Pero ayos ka na ba? Wala ka ng masakit?"

Umiling ako. "Wala na, ayos na 'ko sabi ng doctor. Sobrang pagod lang daw."

Aina smiled. "Alam mo bilib nga ako sa'yo e, ang yayaman mo na pero gusto mo paring mag-trabaho. Proud ako sa'yo na kinaya mo rito kahit mahirap."

"Hindi naman ako mayaman. Maybe my parents. Pero hindi ko yaman ang yaman nila. It's not for me to claim. Tsaka gusto ko ring matuto, better to start at the lowest diba?" I said.

It's time for me to say that i'm proud to her as well. "You know I always look up to you? I always say na kung si Aina kayang gawin, ako rin diba? I always make you as my inspiration sa pagta-trabaho dito. Kayong lahat, kinakaya niyo kahit mahirap. At alam kong kakayanin niyo pa dahil diba nga? Para sa pangarap?"

Safe at NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon