Dedicated to: DauntlesslyAesthetic
Yup #1
Confusion"Ang kapal ng mukha mo! Akin lang si Crash!" sigaw ko sa talanding babaeng kaharap ko at mas lalong nilaksan ang paghila sa buhok niya.
"Paano magiging sayo e nagbalik na si Kelsey! HINDI SIYA MAGIGING IYO! HINDI! KUNG HINDI SIYA KAY KELSEY, PANIGURADONG AKIN SIYA! ASSUMING KA!" sigaw niya pabalik na mas ikina-init ng ulo ko.
Hindi ko alam kung bakit all of a sudden ay triggered na triggered ako. I just found myself here, cat fighting with this punyeta! Hindi ko na gaanong matandaan kung nangyari na ba ito dati pero kulay red pa rin naman ang ID lace na suot namin. So it means, this scenario happened within grade 9 days as well.
Binigay ko na ang buong lakas ko hanggang sa mapahiga siya. Hindi ko pa rin binibitawan ang buhok ng malanding Aella na 'to. Kunwari friend ang turing niya kay Crash pero ang totoo, gustong-gusto niya! Hypocrite bitch!
Pinapalibutan kami ngayon nga mga estudyante sa basketball court. Ang iba ay todo cheer, ang iba naman ay nagtuturuan kung sino ang aawat sa'min. stopped lmot na kami pareho. Mismong blouse namin ay bahagyang bukas na. Hindi rin maitatanggi ang pagkalagas ng mga buhok namin. Kakapa-dye ko pa lang hair! Hindi ko akaling may lakas ng loob ang estupidang ito na kalbuhin ako.
Kaya bago niya ako kalbuhin, siya ang uunahin ko! Ang oily ng anit niya!
"Galingan mo pa Bhie! Bangasan mo ang ugly duckling na 'yan!" rinig kong cheer sa akin ni Helga. Kung tinutulungan niya ako, edi sana mas ayos! Pero okay lang din. Para malaman nilang kaya kong makipag one on one!
Ramdam na ramdam ko ang tumutulong pawis mula sa noo ko. Maging si AellaNDI ay naliligo na rin sa sarili niyang pawis.
Mas diniinan ko pa ang pag lampaso ng ulo niya sa sahig ng court samantalang siya ay nakahawak pa rin nang mahigpit sa ulo ko. I was about to scratch her face when she suddenly let go of my hair. Patuloy pa rin ako sa pagsabunot sa kaniya kahit di na siya lumalaban.
Napahinto na lang ako nang mapansin ang katahimikan sa paligid. I also stopped and checked what's happening.
At para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makitang kararating lang ni Crash. His deep eyes became so dark. Nakakunot ang mga noo niya at halog magdikit na ang mga kilay. Bakas sa mukha niya ang galit sa akin.
Napaatras ako mula sa pagkakadagan kay Aella nang hawiin niya ako at tulungan ang GIRL BESTFRIEND niya kuno na tumayo. Napasinghap ang karamihan. Maging ako ay gulat at takot din. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang tumayo rin at idefend ang sarili ko. I want to explain.
I want to get up. Pero mukha ako ritong tanga na nakaupo lang, wearing a very afraid face. At heto na naman ang nararamdaman kong sensasyon na pumipigil sa akin magsalita at gumalaw.
"Hindi mo ba talaga tatantanan si Aella?! Ano bang problema mo, Hecate? Bakit ba lagi na lang?!" sigaw niya sa akin. Tila kulog ang kaniyang boses na dumagundong sa buong basketball court.
Nagbulungan ang mga tao sa paligid. Ang iba ay namangha pa dahil sa pagsigaw sa akin ni Crash na tila ba isang kasalanan na kalabanin ako.
But well, kasalanan talagang awayin ako! My Dad is the Vice Director of this school! They can't just pick a fight with me. But again, Crash is an exemption and I don't know why.
BINABASA MO ANG
Yup, I am the Villain (COMPLETED)
Fantasy"I never wanted to be one...but Yup, I am the Villain." - Hecate Nouvel. Hecate Nouvel is the leader of the most powerful gang in their school. Everyone respects her. Everyone follows her. Many of the students adore her, but also many of them hate h...