Yup #30

608 24 11
                                    

Yup #30
Locked up

"I'm sorry," I looked straight into her eyes and stated her my sincere apology. I saw how her eyes twinkled after hearing it.

We are here at the school's mini park. We are both sitting on a bench where we decided to have a heart to heart talk. Scenes are getting worse. There are only a few scenes left. Serious conversation between us is a must.

"No. Ako nga dapat ang humingi ng sorry sa'yo. Pero salamat dahil pinaunlakan mo ako. Marami akong gustong sabihin and I'll try my best to tell those to you all," mahinhin niyang sagot habang bahagyang nakangiti.

Tumango naman ako at hinayaang damhin ang malamig na simoy ng hangin. Alas-singko na ng hapon. Hindi ko alam kung ilang oras kami nandito sa behind the actual scene but I'm pretty sure mahaba-haba pa naman ang oras.


"First of all, Hecate, I know it's hard for you to accept me as your friend. Alam kong nakakairita ang pagiging desperada ko. Nakalma naman ako sa paghahabol sa'yo simula noong nagkaroon na ako ng awareness. Pero nandito pa rin sa akin ang feeling na gusto kitang kaibiganin. I really admire you. I understand if you don't want to accept me." Something touched my heart when I heard the sincerity in her voice.


"Sino ba namang makikipagkaibigan sa pumatay sa'yo, hindi ba? Kahit pa sabihing isinulat lang iyon ng author. Alam kong nagmarka 'yon sa buong pagkatao mo kahit bumalik tayo sa past. Pero, wala e. Kung ano ang trato ko sa'yo simula noong bata pa tayo, ganoon pa rin iyon hanggang ngayon," dugton niya na ikinangiti ko.


"Muntik na rin naman kitang mapatay e. Ni-lock kita sa storage room. Dahil alam ko ang weakness mo. Enclosed areas. I'm sorry. I hope you forgive me. Lalo pa't mauulit na naman ang eksenang 'yon. Alam kong magagalit ka sa actual scene kaya humihingi na ako ng dispensa ngayong nasa behind the actual scene pa tayo. I really mean it," kalmado kong sabi at puno ng pagsisisi ang boses.

I almost killed her. And I'll try to kill her again. This really sucks.


"It's not like we both wanted those horrible scenes to happen. Ngayon, maging thankful na lang tayo dahil aware na tayo. Sana lang talaga ay magawa natin ang mga plinano natin nang maayos. Para naman sa lahat 'to," mahinahon niyang sagot. Tumango ulit ako at hinayaang siya ulit ang magbukas ng usapan.

Napatitig siya sa akin at bahagyang iniwas ang tingin. Medyo nagtakha ako pero hindi ko ipinahalata iyon. I don't know what she's thinking but I hope she'll tell me that.

Lumipas ang ilang minuto bago siya ulit tumingin sa akin. Seryoso ang mga mata pero kakikitaan ng pangamba.

She sighed before talking. "I know... that you like Dagger," she said as she looked straight into my eyes again. I let my mouth closed, thinking of what will I respond.


"I'm not sure if you like Crash... but I just want you to know that just like you, I like Dagger. Uh, no. I could say that I love him. He's my savior. My world. My love. My everything. I don't mean to hurt you but I really like him and I want to be selfish," malumanay niyang pag-amin pero kitang-kita ang katapangan sa bawat salitang binibitawan niya. It's like she can pull my hair now if I won't agree on her.


Naramdaman kong parang may sumaksak sa puso ko, buti na lang, sanay ako. Natuto na ako. Alam ko na ngayon kung paano i-handle ang mga ganitong klase ng bagay. Kapag ayaw sa'yo, wag ipipilit.


Pero sa loob-loob ko, sinusubukan kong magpakatatag dahil may pinanghahawakan ako. Ang mga salita ni Dagger. Ang mga sinabi niya sa'kin. Paniniwalaan ko 'yon hanggang sa maubos ako. Hanggang sa matapos ang istoryang ito.


Yup, I am the Villain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon