Dedicated to: DauntlesslyAesthetic
Yup #5
Confession
"Ano na naman 'yan?" supladong tanong sa'kin ni Crash na pakiramdam ko ay anytime, hahawiin ako. Nahihiya na rin ako dahil pinagtatawanan ako ng iba naming schoolmates.Hindi ko na naman maigalaw ang katawan ko since we are in the actual scene. Hihintayin ko na lang na matapos ang eksenang ito dahil nakakaramdam na ako ng pagod. I want to take a rest for a while.
"Uh, peace offering? Since we had a fight---"
"No. I don't like it. Sayo na 'yan." suplado pa rin niyang sabi at lumihis ng daan. Sinundan naman siya nina Solstice at Lucretius matapos akong tingnan ng kaawa-awa. I heard a laugh from somewhere that made my ears hurt. Fucking bitches. Gusto ko sanang patulan kaso umikot ang mga paa ko at sinundan si Crash patungong counter area.
"Hey Crash. At least accept this. I won't bother you again this day, promise." sabi ko at patuloy pa rin ang pagsunod. Nilingon ako ng dalawa niyang alagad samantalang patuloy lang siya sa paglalakad.
Wag. Wag mo kukuhanin dahil nagugutom na ako. Bakit ba kasi ang tanga-tanga ng role ko dito?! Habol na lang ako nang habol! Nakakapagod din infairness ah.
I heard a silent click kasunod ang pagkawala ng sensasyong nagcocontrol sa'kin. Hindi ko sigurado kung ano ba ang silbi ng mga click na naririnig ko. Minsan kasabay ng pagflip ng page. At minsan naman bigla na lang nagc-click. Minsan malakas. At ngayon mahina lang kasabay ng pagkawala ng sensation sa katawan ko. Basta ang sign na lilipat na ng eksena, pag nagfflip ng page. May nagbabasa kaya sa librong 'yon? Uh. Whatever!
Here I am, BTAS.
Nakahinga ako nang maluwag at dali-daling naglakad pabalik. Wala na akong pake kung masabihan ako ng wirdo. Hindi ko naman talaga ginusto na bigyan siya ng pizza e. Maybe, pwede kong ipilit sa kaniya kahit wala na ako sa actual scene but not now. I'm feeling hungry and tired.
Nakita kong nagtatawanan ang mga babae sa madadaanan kong table at mukhang ako ang tinatawanan. Patingin-tingin pa!
I opened the box of pizza. Since may laman itong walong piraso, sinakripisyo ko ang isa sa mga yon at sinampal sa pinakapanget tumawa sa kanila. Natigilan ang lahat, lalong-lalo na ang mga tumatawa. Nanlalaki ang mga mata ng sinampal mo sa nguso ng pizza. Para silang naestatwa at kaniya-kaniyang pirmi ng upo.
Lima silang babae at kababaeng mga tao, ang papangit tumawa. Nakakairita ang mga mukha nila. Para silang mga clown.
Nakita ko kung paano sila magsilunukan at mamutla. Inirapan ko silang lahat at sinampal sa mukhang leader-leaderan nila ang pizza sa noo niya since hawak ko pa naman.
Hindi na nakapalag pa ang mga sinampal ko at hindi na ako umeksena pa. Tutal wala na naman akong energy para patulan ang mga walang kwentang tao. Pinalibot ko ang tingin sa mga estudyanteng parang pelikula ang pinapanood at tinaasan sila ng gitnang daliri.
"Bitch." I heard Helga's comment na mukhang proud na proud sa ginawa ko. I just shrugged and sat down on chair. I opened the box of pizza and bit one of the slices. Halos makalhati ko ang isang malaking slice sa isang kagatan pa lang dahil sa sobrang laki ng kagat ko.
"Chill. Ganyan ba ang dapat ipakita mo sa mga tao? Ang frustration na hindi tinanggap ni Crash ang pizza kaya ikaw na lang ang kakain? At ganyan mo pa kainin? I thought you're in diet?" sunod-sunod na pagmamaldita sa akin ni Leocadia na inirapan ko na lang. I picked up the next slice and ate it with feelings. Grabe! Ang sarap! Buti na lang at hindi tinanggap ni Crash!
BINABASA MO ANG
Yup, I am the Villain (COMPLETED)
Fantasy"I never wanted to be one...but Yup, I am the Villain." - Hecate Nouvel. Hecate Nouvel is the leader of the most powerful gang in their school. Everyone respects her. Everyone follows her. Many of the students adore her, but also many of them hate h...