Yup #2
HacoKapwa kami binalutan ng kalituhan at katahimikan matapos sabihin ni Dagger ang mga salitang iyon. Kahit ako, ayaw ko rin namang mamatay. Pero patay na ako at narito ako sa nakaraan. Gulong-gulo na ako kung bakit ko nararanasan 'to. Bakit namin nararanasan 'to?
"H-Hindi kaya, namatay ka rin noong mga panahong 'yon? Wala ka bang naaalalang mga ganoong senaryo?" pagbubukas ko ng usapan. Nilingon niya naman ako at nanatiling nakaupo habang nakataas ang mga tuhod.
"Ang huling bagay na natatandaan ko bago ako bumalik sa senaryong pinapabugbog mo ako ay iaanunsyo na ni Esmeray kung sino talaga ang taong nasa likod ni Tavora. Hindi ko na naabutan pa ang pagsabi niya ng pangalan at pagmulat ko, pinapabugbog mo na ako. At nasa loob ako ng bodegang 'yan." pagsasalaysay niya sabay turo sa hideout namin. Naging interesado ako sa mga sinasabi niya lalo pa't nabanggit niya na irereveal na ang identity ni Tavora.
"Sayang! Kung naabutan mo sana i-iyon ay alam natin ngayon kung sino ang dapat puntiryahin! I mean, edi sana, alam natin kung totoo bang ang pamilyang Clemonte ang nagpapatay kay Kuya." panghihinayang ko.
Mabilis siyang napalingon sa akin at bahagyang nanlalaki ang mga mata. Dahil rito, mas lalo kong napagmasdaan ang hitsura niya. Dagger is a typical badboy. Hindi naman siya jeje pero mababakas mo sa aura niya ang kaastigan. At kayabangan din. Maraming nagkakagusto at natatakot sa kaniya. Maraming humahanga at kinaaayawan siya. He's a quiet but scary type of guy. Just like my Kuya Haco. Parehong mayabang at maangas. They are bestfriends. And also, he's one of my friends. Di ko nga lang alam kung kaibigan din ang turing niya sa'kin. Halatang napilitan lang naman kasi siyang sumali sa gang namin dahil kay Kuya at wala siyang choice at hindi ko naman talaga siya tatantanan.
Pero ngayong mas natititigan ko ang mukha niya at nakita ang mga reaksyon niya sa pangyayari, 'di ko maiwasang isipin na may soft side din siya. Natatakot din. Marunong magtaka. Marunong magpakita ng weakness.
"Kung nasa taong 2019 tayo ngayon, ibig sabihin, buhay pa si Haco..." mahina niyang sambit na parang hinihingi pa ang approval ko.
Napasinghap ako habang nanlalaki ang mga mata. Nanlaki rin ang mga mata niya dahil sa gulat sa naging reaksyon ko. Hinampas ko siya sa braso bago kurutin dito.
Napadaing siya. "What the---"
"OMG! Ang bright mo sa part na 'yan! Tama! Buhay pa nga ang Kuya ko! Kailangan ko nang umuwi ngayon na! I need to see him bago ko pa marinig ang pagf-flip na naman ng page." nakangiti kong saad, hindi maiwasan ang excitement.
Almost 4 years ago when my older brother Haco has died. He was killed...and that's the most tragic event happened in my life that worsen how I live. It was hard to accept that until now. Pero ngayong bumalik ako sa past, wala na akong panahon pang magdalamhati. I will see him now. I can hug him, again.
And anyways, I died in year 2023. So it means we're going to meet in heaven kung sakali--- kung sakaling mapupunta kami sa heaven. Kasi mukhang sa impyerno ang bagsak namin ni Kuya.
Or maybe...I can change? I mean, I'm going to repent my sins? Change what I did? Para itong kaluluwa ko kung sakali ay mapunta man lang kahit sa purgatoryo...?
Fudge! Ano ba 'tong iniisip ko?! Nababaliw na talaga ako! I need to see Kuya Haco first!
"Sasama ako." Tumayo na mula sa pagkakaupo si Dagger at parang lintang dumikit sa'kin. What the fuck?
Napaatras ako dahilan para magkaroon na kami ulit ng distansya sa isa't isa. Ano ba 'tong si Dagger! Mas bet ko pa ata ang cold version niya kaysa ganito!
BINABASA MO ANG
Yup, I am the Villain (COMPLETED)
Fantasia"I never wanted to be one...but Yup, I am the Villain." - Hecate Nouvel. Hecate Nouvel is the leader of the most powerful gang in their school. Everyone respects her. Everyone follows her. Many of the students adore her, but also many of them hate h...