Yup #12
Fire
Hindi pa ako nakakapagpasalamat kay Dagger nang lumipat na naman ang pahina na sinundan ng isang mahinang paglagitik.Napatingin ako sa paligid ako at nagitla nang matagpuan ang sarili sa silid-aralan, walang kasama kundi si Esmeray lamang.
Wala na kaming bangas o kung ano. Maayos na ang mga hitsura namin, nakasuot ng school uniform.
Nakaupo ako sa isa sa mga armchair habang nakadekwatro. Nakahalukipkip din ako at nakangising nakatingin sa kaniya. Nasa tabi ko lamang siya, namumuo ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Ano na namang eksena 'to?
"Please, Hecate. I will do everything just to be part of your gang. I really want to. Tell me what to do. Please," pagmamakaawa nito na kulang na lang ay lumuhod na.
Ah. Naaalala ko na.
Tss.
"So ano ang rason mo kung bakit gusto mong maging miyembro ng gang namin? For more power ba? Ano? Give me a valid reason and I'll think about it," tanong ko habang nakangisi pa rin.
Nakita ko ang paglunok niya. Mahigpit ang hawak sa laylayan ng blouse, nanginginig ang mga kamay. Halatang napressure sa itinanong ko.
"Ano? Bilis-bilisan mo at ayaw kong nasasayang ang oras ko sa mga ganitong klaseng bagay. May pupuntahan pa kami ni Crash pagtapos nito." Tiningala ko siya, nakataas ang kilay at ipinagdiinan ang huling pangungusap na sinabi.
Mukhang hindi pa niya nagustuhan ang sinabi ko. Nanatili lang siyang nakatayo at nangangatal. Bakit ba takot na takot 'to sa'kin? And gusto ko nang matapos ang scene na 'to para naman makagalaw na ako nang ayon sa gusto ko.
"I...I want to be friends with y-you...I badly want to...And let's try to stop our parents' quarrel. I...I hope it will b-be a valid reason f-for you..." mabagal at utal-utal niyang sambit. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya sa braso ko. Tiningala ko siyang muli at kitang-kita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya.
Bakit ba ang iyakin nito? Nakakabwisit sa totoo lang. A protagonist should be brave from the very start. Dapat hindi sila kawawa. Hindi dumedepende sa ibang tao. Hindi ipinagsisiksikan ang sarili sa mga taong ayaw naman sa kanila. Dapat hindi nagpapaapekto. Though brave naman siya for being the temporary empress, I just hate her emotional side. I mean dapat ginawa na siyang perfect tutal siya naman ang bida.
Teka. Ano ba 'tong pinaglalaban ko? E iyakin din naman ako! Kaso nakakaasar! Parang ang sama-sama ko naman lagi. Tuwi-tuwina na lang niya ako iniiyakan.
"Can you please stop crying? I hate weaklings, okay? Sa gang namin, bawal emosyonal. Paano pag nasaksak ka ng kalaban? Iiyak ka? Paano pag nasuntok ka lang nang isang beses, iiyak ka agad?" iritado kong pagpapatahan sa kaniya. Tamad akong tumayo mula sa pagkakaupo bago isinakbat ang pink kong backpack.
Hinarap ko siya na ngayo'y lalong naiyak. Napailing-iling na lang ako at humakbang papalabas ng classroom. Ramdam ko ang pagsunod ng nagmamakaawa niyang tingin sa likod ko. Before I totally went out of our classroom, I stopped walking and gave her a look.
"You should prove yourself to us. Starting from tomorrow," walang emosyon kong saad habang nakahalukipkip at maarteng nagpatuloy sa paglalakad.
Narinig ko ang pagpapasalamat niya sa akin nang makalayo na ako ngunit inignora ko na lamang 'yon. Malayo na ako sa classroom namin nang maramdaman ko ang pagka-alis ng sensasyong nagpapagalaw sa katawan ko. Nakahinga ako nang maluwag sa kaginahawahan ng naramdaman.
BINABASA MO ANG
Yup, I am the Villain (COMPLETED)
Fantasy"I never wanted to be one...but Yup, I am the Villain." - Hecate Nouvel. Hecate Nouvel is the leader of the most powerful gang in their school. Everyone respects her. Everyone follows her. Many of the students adore her, but also many of them hate h...