The Epilogue
Sinubukan kong pakiramdaman ang paligid. Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Maging ang simpleng paggalaw ay hindi ko magawa.
Ramdam kong nakahiga ako sa isang malambot na bagay. Ramdam ko ang bawat butil ng pawis na tumutulo mula sa aking noo dahil sa hindi malamang pagkahingal at pagod. Mabigat at malalalim ang mga pinapakawalan kong hininga ngunit hanggang doon na lamang ang kayang gumana sa katawan ko.
Gulo ang isip ko. Natataranta ako sa loob-loob ngunit hindi ko magawang ipakita ang ekspresyong ito. Pakiramdam ko ay may kung anong pumipigil sa akin.
Nararamdaman at naririnig ko ang bawat kaluskos sa paligid ko. Tila mga nagmamadali at pababalik-balik na mga paa. May mga naririnig din akong nagsasalita ngunit hindi malinaw sa pandinig ko.
Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto na ba ang lumipas pero laking pasasalamat ko sa pagkakataong ito, naimulat ko ang mga mabibigat na talukap ng mga mata ko.
Nanlalabo pa ito noong una. Nang bahagyang luminaw ito ay bumungad sa akin ang puting kisame.
Sinubukan kong igalaw ang ulo ko sa gilid ngunit bago ko pa maigala ang mga paningin ay may bumulaga sa aking mukha.
Puno ng pag-aalala ang mukha nito. May mga sinasabi siya pero tila nabibingi ako. Tanging pagbuka lamang ng kaniyang labi ang nakikita ko at wala akong maintindihan.
Habang tumatagal ay lumilinaw ang mga mga mata ko. Unti-unti sa akin naging klaro ang mga tunog ngunit puno pa rin ako ng kalituhan.
Nasaan ako? Why am I here?
"Oh My God! Thank God! Anak, you're finally awake! Oh My God! God is so good!"
I stared blankly at my Mom. Her face is full of worry and happiness. Nakita ko sa gilid niya ang pagtabi sa kaniya ni Daddy... at ni Kuya Haco!
What the hell?! Is this even real?! Am I just dreaming?! Hallucination ko lang ba ito?!
My heart got thrilled. It affected my body. I panicked slightly that made my body move.
Titig na titig pa rin ako kay Kuya na ngayo'y maluha-luha habang nakatingin sa akin. Ganoon din si Daddy. Kita sa mukha nilang tatlo ang ginhawa.
Bakit nangyayari 'to? Sino ang nag-extend ng story? Sino ang nagbago? Parang hindi pa naman napag-uusapan ang kahit anong pagdugtong ng eksena sa kwento.
Pero kung sino man sa kanilang apat ang nagdugtong o nagsulat ng eksenang ito, deserve niya ang pasasalamat. I am so happy to see Kuya Haco alive!
Pero ang ipinagtatakha ko, bakit ganito? Tsaka ang huli kong naaalala, may tumatawag sa akin and everything went black!
My Goodness! This is confusing me!
"Oh My Gosh! You're finally awake!"
That voice.
"Kailangang i-doble ang pagmomonitor sa anak niyo, Mrs.Galang. Pero ikinalulugod ko pong nagising na rin ang anak niyo." A man with a white lab coat blocked my vision. Natakpan niya sina Mommy at may sinabi siya rito.
"Salamat po, Doc! I'm hoping for her fast recovery! Ang dami niya nang na-miss sa eskwelahan," rinig kong sabi ni Mommy na lalong nakapagpagulo sa akin.
May mga humawak sa aking mga braso. May mga dumungaw at wala akong nagawa kung hindi ang pagmasdan sila.
May dalawang babaeng nurse sa magkabilang gilid ko. Ang isa ay may parang sinusulat sa clipboard na dala nito at ang isa naman ay kinakaway-kaway ang kamay sa tapat ng mukha ko.
BINABASA MO ANG
Yup, I am the Villain (COMPLETED)
Fantasy"I never wanted to be one...but Yup, I am the Villain." - Hecate Nouvel. Hecate Nouvel is the leader of the most powerful gang in their school. Everyone respects her. Everyone follows her. Many of the students adore her, but also many of them hate h...