Yup #15
Awareness
"Huh? Saan ka pupunta, bhie? Wag mong sabihing iiwan mo kami kasama 'yang babaeng 'yan? No. Don't alis!" natatarantang bulong sa akin ni Helga nang isakbat ko ang pink kong backpack.Kinurot ko ang braso niya na ikinaingit niya.
"I have things to do okay? Hayaan niyo siya na kasama kayo. Be good to her!" bulong ko pabalik. Sinamaan ako ng tingin ni Helga samantalang nakita ko ang pagkadismaya nina Leocadia at Itzel sa pag-alis ko.
Tapos na ang part ko sa istoryang ito. Nasa behind the actual scene na kaming lahat at may iba akong buhay dito. Hindi pwedeng magstay ako lagi kasama sila.
"A-Aalis ka na, Hecate? Pwede b-bang sumama?" Rinig ko ang kaba sa boses ni Esmeray at nagmamadaling tumayo. Halatang ayaw magpaiwan kasama ang mga demonyita kong mga kaibigan.
Napabuntong hininga ako at napailing-iling na lang. Hindi ko alam kung paano ko lalayuan 'tong si Esmeray sa btas. Patay na patay sa pakikipagkaibigan sa akin.
"Pupunta kami ng hide out. Isama mo na 'yang si Empress. Bawal hindi member doon, remember?" malditang sabi ni Leocadia na ayaw talaga isama si Esmeray sa kanila. Samantalang sila naman ang namilit na makipagkaibigan ako rito. But still, nasa behind the actual scene na kami kaya hindi ko na rin sigurado ang mga tumatakbo sa isipan nila.
"Okay. Bukas na 'ko pupunta sa hide out. Let's go Kelsey," monotone kong sambit at nakahalukipkip na lumabas ng classroom.
Sinabayan naman ako ni Esmeray sa paglalakad. Kita ko sa peripheral vision ko ang pagsilip-silip niya sa reaksyon ko. Napansin ko ring nakangiti siya. Crush ba ako nito? Uh! Chills.
"Sasama ka ba sa'kin?" mataray kong tanong pero hindi ko alam kung sa point of view niya ay mataray na 'yon para sa kaniya.
"Uh...Gusto ko sana kaso I h-have things to do rin sa org. Pero k-kung gusto mo akong isama, sasama ako. Saan ka ba pupunta?" sagot niya na ikina-shrug ko na lang.
"You can't go with me. May gagawin din ako," I answered without looking at her. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtango niya.
"I see."
Tahimik kaming naglakad sa hallway. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Mangha nila kaming pinagmasdan na parang napakaganda ng tanawin na nakikita nila. Pero maganda naman talaga ako kaya hindi na ako magtatakha.
Ang iba ay nagbulungan pa. Lalong-lalo na ang mga punyenta naming babaeng schoolmates. Mga panget na bubuyog.
"Uwi ka na Empress? Sabay kami!"
"Bye po Empress!"
"Friends po pala kayo ni Hecate, Empress?"
"Ang ganda niyo po Empress!"
"Buti po hindi niyo kasama si Crash! Haha!"
"Kumpleto na araw ko! Nakita ko na si Empress!"
"Hi Kelsey! Sabay naman!"
"Saan punta mo, Empress?"
Puro Empress na lang naintindihan ko. Edi siya na sikat. Duh. Hindi naman si Kelsey 'yan e. Si Esmeray 'yan. Uh. Whatever! I don't care! Bahala sila. Hindi man lang ba nila papansinin ang kagandahan kong taglay?
Napairap na lang ako habang naglalakad kasama si Esmeray. Puro tango at ngiti lang ang isinusukli niya sa mga bumabati sa kaniya. Sa tuwing ngingiti siya, naghihiyawan ang mga kalalakihang jologs. Tss.
BINABASA MO ANG
Yup, I am the Villain (COMPLETED)
Fantasy"I never wanted to be one...but Yup, I am the Villain." - Hecate Nouvel. Hecate Nouvel is the leader of the most powerful gang in their school. Everyone respects her. Everyone follows her. Many of the students adore her, but also many of them hate h...