Yup #25

490 28 7
                                    

Yup #25
Betrayal


Three months has passed as how the story was written. Three freaking months of being broken again. Three fucking months of striving so hard to get out of the darkness.

Mahigpit akong kumapit sa strap ng bag ko nang ihinto ng driver ang sasakyan sa parking lot ng eskuwelahan. Hindi na ako nagpaalam pa at tahimik na lumabas ng kotse.

Kung dati ay maraming nagbubulung-bulungan tuwing dumadaan ako at natatakot sa presensya ko, ngayon tila dumoble ang pangamba sa kanilang mga mata. Parang hindi na sila sanay. At parang hindi ko na kilala ang sarili ko.

Nangyari na ito noon. Umulit nga, 'di ba? Pero iba ang sakit ngayon. Parang triple. Sobrang sakit na wala pa rin akong magawa. Sinubukan ko naman lahat pero parang kalaban ko ang lahat. Walang sumusunod sa kung anong gusto kong mangyari.

Kasi sino ba naman ako? Isa lang akong kontrabida. Walang kwentang kontrabida.

Gaya ng nakasanayan, may nagkokontrol pa rin sa mga bagay na ginagawa ko. Nasa actual scene ako madalas at para akong artista na walang pahinga sa taping. Bihira lang ako makakuha ng tamang pagkakataon para magpahinga at isagawa ang plano. Hindi nagsasakto ang mga oras namin nina Crash, Dagger at Jeannot. Tuwing nasa behind the actual scene ako ay nasa actual scene naman sina Crash at Dagger kasama si Esmeray. Kapag nasa actual scene naman ako, tsaka sila nasa BTAS. Si Jeannot naman bihira ko na lang makita. Kung saan-saan nagsususuot. Minsan ko nang tinanong kina Aella kung nasaan ito pero inirapan lang ako ng talandi.

Kung ano man ang ipinapakita kong reaksyon sa mga tao sa oras na ito ay ganoon din ang reaksyon ko sa BTAS. I don't want to give out too much emotions anymore. And I don't want others to talk to me always. Panay sina Helga lamang ang kinakausap ko.

Matagal ko nang itinatak sa sarili ko kung ano ang silbi ko ngayong naiwan na naman ako ni Kuya dito. Una, hanapin ang libro para maisagawa ang matagal na naming plano. Ikalawa, para mapangalagaan ang gang. At ikatlo, protektahan ang pamilya ko. Bahala na kung ano ang mangyari. Kailangan ko lang gawin ang makakaya ko sa lahat ng ito.

I'm a lifeless character.

Maraming nagbubulung-bulungan nang dumaan na ako sa hallway patungo sa building ng mga Grade nine. Hindi ko alam kung bakit ang kakapal ng mga mukha nilang pag-usapan ako sa gilid, harap at likod ko. Naiirita ako sa ingay ngunit hindi ko na lang pinatulan pa. Paano ba naman ako makakapatol e para akong robot na may nagpapagalaw rito.

Ngunit natauhan din ako kung bakit ba nila ako pinag-uusapan. Kabisado ko na ang takbo ng kwento. At isa ito sa mga senaryong ikagigimbal ng mga mambabasa ng author ng istoryang ito. I'm pretty sure the readers will curse me and my friends to death. Of course, their beloved character will be doomed!

So petty!

Gaya ng inaasahan ay sinalubong ako ng nagpupuyos sa galit na si Helga. Matalim ang mga mata ni Leocadia at puno ng pagkadismaya ang hitsura ni Itzel. Tinaasan ko sila ng kilay para malaman kung bakit sila nagkakaganyan. Though of course, alam ko na naman ang dahilan.

"You need to know this, Hecate!" Helga said in a loud voice that made the whispers around become louder.

I heaved out a sigh, not interested of what they will say.

"Kelsey betrayed us! Ay mali. No. I should say ESMERAY GALIANA CLEMONTE BETRAYED ALL OF US!" she shouted. Nagsinghapan ang mga tao sa paligid at may mga bumubulong-bulong na "so totoo nga" that sounded so chismosa.

Napakunot ang noo ko at lumapit sa kanila. Hindi ako nagsasalita at gusto ko lang i-elaborate nila ang sasabihin. Noong hindi pa aware dati at nang mangyari ang scene na 'to ay interesadong-interesado ako, pero ngayon, nawawalan ako ng gana sa totoo lang.

Yup, I am the Villain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon