Part 1

236 4 1
                                    

"Sa tuwing natatapos ang isang k'wento, anong nangyayari sa mga character? Nagtutuloy pa rin ba ang buhay nila o frozen na lang sila forever hanggang hindi dinudugtungan ng author ang kuwento nila? Iyan ang tanong sa isang kwentong napanood ko at napaisip ako, kaya gusto ko i-share sa iyo ang tanong na ito, bilang isang author, baka masagot mo, Ms. Author." Isa sa mga Mensahe sa kaniyang notifications.

"Actually, ang ilang kwento ay frozen na. Ang ilan naman ay nagtutuloy pa rin kahit sa isip na lamang ng author at hindi na naisusulat pa. Conclusion na lamang sa mga isipan nang mambabasa if they continue to live happily ever after. Masuwerte ang author dahil alam pa niya ang mangyayari sa mga character dahil siya ang may control ng lahat nang mga takbo nang pangyayari," nangiti si Jowee matapos tumipa ng kanyang sagot. Isa siya sa mga sikat na author sa Wattpad sa pangalan lamang dahil walang nakaka-alam nang tunay niyang katauhan.

"@crazybutterfly, Ms. Author, kailan po magkikilala si Mayor Ejs at si Sef? Excited na ako at kinikilig para kay Sef!" Komento ng isa sa mga readers niya. Kasalukuyan niyang hawak ang kanyang tablet habang nag-aalmusal ay nagbabasa ng mga notifications niya sa Wattpad para sa in-update niyang chapter kagabi nang bago niyang istorya. Libangan lamang niya ang pagkukuwento, hindi niya alam kung ano ang kanyang naging inspirasyon sa paggawa ng mga kuwento, bigla na lamang itong nabubuo sa kanyang utak, mga eksenang biglang napapanaginipan niya or pangyayaring nairerelate niya sa tunay na buhay, kagaya ng kanyang on-going story.

Isa siya sa masasabing may malapit na access sa mga transaksiyon ng Alkalde nila sa isang bayan ng Bulacan. Isa sa mga assistant ng Mayor kung baga, Si Mayor Ethan Jacob Santillan. Ang tunay na Mayor na kanyang pinaglilingkuran ay suplado at may pagka-istrikto o sabihin nang may pagkamasungit sa kanyang mga staff samantalang ang Mayor sa kaniyang kuwento ay hinahangaan nang lahat, mabait, masayahin at walang pinipiling tao upang maka-ugnayan, kung baga, maka-masa. Ganun ang pinapatakbo niyang ugali ng mga karakter niya sa kuwento ngayon, hango sa tunay na pangyayari subalit kabaligtaran ng ugali at sitwasyon. Maging ang karamihan sa mga pangalan ng kanyang karakter ay kinuha niya malapit sa pangalan ng mga taong malapit sa Alkalde.

Kasalukuyan siyang nag-eenjoy makabasa ng mga komento sa kanyang istorya nang pumasok ang text notification niya.

"Jowee, maaga ang lakad namin nila Mayor Ethan ngayon, ang bilin niya tawagan daw kita upang imbis na sa Cityhall ka pumunta, dumiretso ka daw muna sa bahay nila para tingnan mo muna si Nichie, bago kasi ang yaya hindi pa siya sanay dun, alam mo namang friend kayo ni Nichie." – Tonchie.

"O diba, binola pa ako ng baklang ito, akala mo naman may magagawa ako, puwede ba namang sumuway sa utos ng bossing?" Naiiling na wika ni Jowee saka tumipa ng sagot. "Assistant na nang ama, yaya pa nang anak," naiiling na bulong sa sarili ng dalaga saka na ito kumilos upang maghanda sa pagpasok.

Malaki ang bahay nila Mayor Ethan, anim na taon na itong Mayor sa kanilang bayan matapos ilipat nang ama nito sa kanya ang trono. Maagang nabalo si Mayor dahil nagkakumplikasyon ang panganganak nito kay Nichie. Tama lamang na nailabas si Nichie at nalagutan na ito ng hininga. May sakit kasi ito sa puso at sa kagustuhang mabigyan nang anak si Mayor, kahit ipinagbawal ng doktor ay ginusto parin niyang mabuntis. Natatandaan pa niya kung gaano nagluksa si Mayor noon.

Napailing si Jowee nang maalala ang nakaraan habang nakatitig siya sa malaking wedding picture ni Mayor at nang kaniyang yumaong asawa sa gitna ng silid tanggapan. Narinig niyang umiiyak si Nichie habang paulit-ulit na inaalo ng bagong yaya. Tinungo niya ang silid ng limang taong gulang na batang babae.

"Ms. Jowee!" Masayang tawag nang bata nang makita siya, animoy nagdrama lang sa pagiyak. Tumakbo sa kanya ang bata at yumakap. Pinaupo niya ito sa kanyang isang binti habang medyo nakaluhod na pumantay siya sa bata.

in-love ako kay Mayor (a story from the story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon