Part 20

71 2 0
                                    

"I told you do not insist that risky thing!" Nakakuno't ang noong sita ni Mayor Ethan kay Jowee habang hinaharangan siya nitong huwag nang sumama kila Henry at Tonchie sa pagbibigay ng mga relief goods sa mga taong nasunugan na nagkakagulo sa may bulwagan.

"It's my job, I can protect myself, and I want to help," inis na sagot ni Jowee saka nito hinawi ang mga braso ni Mayor na nakahawak sa magkabilang hamba ng pintuan upang hindi siya makalabas. Nakalusot si Jowee at padabog na naglakad kabuntot si Tonchie.

"Hey Pumpkin!" Tawag ni Mayor Ethan.

"What?!" Inis na lumingon agad si Jowee.

Napangiti si Mayor Ethan sa naging reaksiyon ni Jowee sa tawag niya, saka lumakad na nilagpasan niya si Jowee at iniwan upang mauna nang tumungo na sa bulwagan.

"Anong problema non? Nagagalit kanina ngayon naman nakangiti?" Nakasimangot na takang tanong ni Jowee kay Tonchie na katabi niya.

"Pumpkin ang tawag niya kay Ma'am Margot kapag iniinis niya ito, at sumagot ka naman! Akala ko ba ikaw si Jowee?" Nang-iinis ding wika ni Tonchie saka sumunod na sa Mayor at kay Henry.

Naiwang napanganga si Jowee, maging siya ay nagtaka nang mapagtanto bakit ganoon ang kaniyang response sa tawag ng Mayor.

*****

"At alam mo ba Manang Lorna, after two weeks ulit nagkalakas loob si Sef makipagkita kay Mayor Ejs, tapos sinama naman siya ni Mayor Ejs sa bahay nila upang ipakilala sa family niya, ang kaso, sa bungad palang ng bahay, gulat na sinalubong si Sef ng kapatid ni Mayor Ejs, at ang sabi hindi ba raw siya si Serafina Dimayucyoc? At ng tumango ang nawiwirduhang si Sef sa nakababatang kapatid ni Mayor Ejs, agad siyang niyakap ng walang pasabi at ang sabi, si Sef daw ang high school crush niya na matagal na niyang pinaghahanap kahit sa social media!" Narinig ni Jowee ang pagbibida ni Susette sa pagkukuwento sa nobelang binabasa nito.

"Aba, tingnan mo nga naman ano, magiging magkaribal pa ang magkapatid kay Sef, aba, ang haba ng buhok ni Sef!" Komento ni Manang Lorna na interesado sa kinukuwento ni Susette.

"At dahil sa naging reaksiyon ni Renan, pangalan iyon ng kapatid ni Mayor Ejs, hindi nagawang ipakilala ni Mayor Ejs si Sef bilang girlfriend niya. Ayon kay Mayor Ejs, simula nang madiagnose na may liver cancer at nataningan na ang buhay ni Renan ay hindi na ito nakitang naging masaya, kaya nang makita daw kung gaano naexcite ang kapatid ng magkita sila ni Sef ay hindi na nagkalakas loob si Mayor Ejs na agawin ang kasiyahang iyon sa kapatid. At ayun nga, maiyak-iyak sa upset si Sef habang daan ng inihatid siya ni Mayor Ejs sa bahay. Kahit na pinaliwanagan siya na ginawa iyon ni Mayor Ejs dahil hindi naman daw nito inaasahan na siya pala ang schoolmate na ikinukuwento ni Renan sa kaniya mula noong High School pa ang kapatid at si Mayor Ejs naman ay nasa College."

"Ano? Kawawa naman si Sef, biglang nadeny siya ni Mayor Ejs," kuno't-noong reaksiyon ni Manang Lorna.

"Ang sama-sama nga ng loob ni Sef lalo pa't pinakiusapan pa siya ni Mayor Ejs na bigyan ng amor ang pakikitungo niya kay Renan at pagbigyan na ang kaniyang kapatid dahil halatang may gusto parin sa kaniya si Renan at ang tanong ni Sef kay Mayor Ejs ay hanggang saan at hanggang kailan?"

Napangiti ng bahagya si Jowee sa kuwentuhan ng dalawa, imbis na lapitan niya ang mga ito upang tumulong sa gawain sa kusina ay napagdesisyunan niyang magtungo sa hardin. Nadatnan naman niya ang mag-ama na masayang naglalaro ng bola. Kasalukuyang binuhat ni Ethan si Nichie at pinaupo sa balikat niya upang maishoot ng anak ang bola sa mataas na court. Tuwang-tuwa naman si Nichie at pumalakpak na napatili ng maidunk ang bola sa net.

"Some more Daddy," wika nito habang pareho nilang sinundan ang tumalbog na bola patungo sa paanan ni Jowee.

"Mommy, give us the ball please," wika ni Nichie. Lumapit na iniaabot ito ni Jowee kay Nichie matapos itong pulutin. Dalawang beses na ginawa ito ni Jowee habang paulit-ulit na dinadunk ni Nichie sa court sa tulong ni Ethan.

in-love ako kay Mayor (a story from the story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon