Part 8

64 2 1
                                    

Muli, maagang nagpaalam si Jowee kay Mayor Ethan upang hindi na siya makasama pa sa bahay nito. Iniiwasan narin niyang mag-overtime work lalo kung ang lokasyon ay sa bahay mismo ng Mayor. Ginagawa niya ito upang maiwasan na makita siya ni Nichie. Ilang Linggo naring nag-eeffort si Gwen sa pagkuha ng loob sa bata at pansin din naman niyang nagtatagumpay naman ito. Nakikita niyang sinsero sa ginagawa si Gwen at pinag-uukulan talaga nito ng panahon ang pagdalaw sa bata.

Nang araw na iyon ay napagpasiyahan na lamang niyang matulog ng maaga upang makabawi sa palaging abala sa trabaho niya.

"Writer, maawa ka naman, sana magkaroon ka ng considerations sa lovelife ko.  Alam kong imposibleng maging kami ni Mayor Ejs, pero alam ko ring ikaw ang may hawak ng kapalaran naming mga characters mo, kaya nakikiusap ako na sana i-grant mo ang request ko," maiyak-iyak na samo ni Sef kay Jowee sa kaniyang panaginip habang nakaluhod itong nakasalikop ang dalawang palad na tila nananalangin sa harapan ni Jowee habang ang huli naman ay nakaupo at tangan ang kaniyang tablet.

"Kung sa tingin mo na ikaw at ako ay iisa, gawin mong maging masaya ang ending kahit man lamang ang sa akin. Huwag mo akong itulad sa iyo na mahina ang loob, at walang tiwala sa kakayahan, na kahit na abot kamay mo na ang Mayor mo, hindi mo pa magawang magtapat at magpakita ng pag-ibig sa kaniya. Kaya't sa akin mo ibinubuhos ang kagustuhan mong mapansin ka ng Mayor.  Writer, pinapagawa mo ang lahat upang mapansin ako at makuha ko ang loob ng Mayor ko, sana gawin mong matagumpay ang effort ko please,"

Napabalikwas ng gising si Jowee dahil sa panaginip.

"Grabe ka talaga, Serafina, lakas ng fighting spirit mo, pati sa panaginip nagawa mong kausapin ako," naiiling niyang sabi saka nangiti.

"At saka isinampal mo pa sa mukha ko na duwag ako pagdating sa damdamin ko kay Mayor Ethan. O di ikaw na sige, ikaw na ang may guts!" Naaasar niyang muling wika at padabog na muling nahiga at sinubukang bumalik sa pagtulog, subalit kahit anong baling niya ay hindi na ito makatulog pa kaya't muli siyang naupo at kinuha ang tablet niya at nagback read ng buhay ni Sef.

Narinig niyang tumilaok ang ilang manok ng kanilang kapitbahay kung kaya't napatingin siya sa bintana.

"Wahh, inabot ako ng umaga sa pagbabasa ng hindi ko namamalayan, kaya pala masakit na ang mga mata ko," naisip niya. "Kawawa naman nga si Sef, sobrang effort niya, mapansin man lang siya ni Mayor Ejs," dagdag pa sa isip niya. Naisipan niyang muling mahiga pagkatingin ng orasan na magaalas singko y media ng umaga.

*****

Nagising siya sa tawag ng kaniyang Nanay.

"Kanina pa tunog nang tunog ang celphone mo at mukhang may tawag ka, bakit hindi mo pa sagutin, at bakit tanghali na ay tulog kapa, aba'y 11:30 na. Wala ka bang pasok ngayon?"

Napabalikwas siya ng tayo at dahil doon ay sumakit ang kaniyang ulo.

Naiiling na lumabas ng silid ang kaniyang Nanay.

Dinampot niya ang kaniyang celphone at sinagot ng makitang si Henry. "Naku patay na ako sa isa pang masungit na ito," naisip niya.

"Jowee! Asaan kaba? Kanina kapa tinatanong ni Mayor kung pumasok ka daw ba o hindi?"

"Sir Henry, pasensya na, masakit kasi ang ulo ko kaya't hindi na muna ako papasok ngayon,"

"Sana agad kang nagsabi! Pambihira ka talaga, o sige, banggitin ko na lang kay Mayor," inis na wika nito.

"Kahit kalian napaka-heartless ng isang iyon, hindi man lang kinamusta kung okay ako, tapos nagagalit pa, pasaway talaga, bagay silang magkasama lagi ng amo niya, parehong masungit," naiiling na wika ni Jowee at tuluyan na siyang bumangon at pinag-isa na lamang ang pagkain niya ng almusal at tanghalian, maaga namang nagluluto ang kaniyang Nanay.

in-love ako kay Mayor (a story from the story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon