Part 19

64 3 1
                                    

"Ethan, I have a social errand for my Dad, this thing will do a great publicity on your career, so my Dad ask me to invite you to be with me on this project," wika ni Gwen kay Mayor Ethan ng magpunta ito sa opisina ng Mayor sa City Hall.

"Thank you for the invitation, Gwen, but I don't think I can accommodate you, we have a lot of projects going on in the City, and thinking of additional publicity to be credited on my career is no need for now, anyway, I am not planning to run for any national government position in the future,"

"Come on, Ethan, whether you like it or not, you will be dealing on it soon, especially when we have our engagement,"

Napatingin sila Jowee, Henry at Tonchie sa nabanggit ni Gwen. Napabaling naman si Mayor Ethan kay Jowee.

"Here we go again, Gwen," kuno't-noong wika ni Mayor Ethan ng muli itong bumaling sa dalaga.

"As I expected, sasabihin mo nanaman iyan, hindi pa nga tayo nagsisimula, tinatanggihan mo na. Okay, let's set aside our personal matter, but please consider my invitation, in here, you will be engaged in different activities and can perhaps help your City to attract more investors," pangungumbinsi ni Gwen. "And besides, bago ako nagtungo sa office mo, nakausap ko na ang council mo at nabanggit ko na ang proposal ko, kaya't masaya silang sumang-ayon dito at bilang representative ng City ninyo, you should be going. Iiwan ko ang invitation at ang details ng social engagement na sinasabi ko upang pag-aralan mo," nakangiting dagdag ni Gwen at lumapit ito kay Mayor.

"I am happy to attend in this gathering with you, Ethan," malambing na bulong nito sa tenga ng Mayor at masayang lumisan na.

Naiiling na sinundan ng tingin ni Tonchie ang dalaga. Wala namang kibong napabuntong hininga si Mayor Ethan. Samantalang si Henry ay kinuha ang inilapag na imbitasyon ni Gwen sa mesa ng Mayor at binasa. Nagkunyaring abala naman si Jowee.

"Mayor, maganda nga ang alok ni Miss Gwen, malaki ang maitutulong nito sa siyudad natin, at maipopromote pa nito ang ilang mga projects na gagawin natin, makakahatak tayo ng investors na makatutulong at big employment ng mamamayan natin," komento ni Henry saka inabot nito kay Mayor ang imbitasyon.

"Magaling talagang gumawa ng paraan si Miss Gwen at ginagawa niya lahat upang mahatak ka niya sa kagustuhan niya," komentong muli ni Henry.

"It is a half month long out of town activities, probably, si Tonchie lang ang puwede kong isama as our official photographer on the said event, if I accepted this," wika ni Mayor Ethan matapos tingnan ang imbitasyon.

"Huwag kang mag-alala, Ma'am Margot, babantayan ko si Mayor Ethan upang hindi masyadong maseduce ni Miss Gwen," pabulong na sabi ni Tonchie kay Jowee subalit dinig naman ng lahat.

"Jowee!" Inis na pagtatama ni Jowee kay Tonchie ng tawagin siya bilang Margot.

Binatukan ng mahina ni Henry si Tonchie dahil sa sinabi.

"Ouch! Mayor oh, physical na iyon oh," kunwa'y sumbong ni Tonchie kay Mayor dahil sa ginawa ni Henry.

"Kung ano-ano kasi ang iniisip mo, masyado kang advance," naiiling na wika ni Henry dito.

Napangiti nalamang ang Mayor sa  dalawa na ngayon lamang niya nakitang nagkulitan.

*****

Lumabas ng silid si Jowee dahil hindi siya makatulog, nais sana niyang magpahangin muna sa hardin kahit saglit, subalit naabutan niya si Mayor Ethan na mag-isa at tahimik na nakatunghay sa wedding picture nila ni Margot habang tangan ang isang beer in can.

"Siguro, wini-wish mong bumalik na siya," wika niya ng lumapit kay Mayor Ethan.

Binalingan siya ng tingin ng Mayor. "Bakit gising kapa?" Tanong nito.

in-love ako kay Mayor (a story from the story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon