Part 14

51 2 0
                                    

Maagang nagising si Jowee kinabukasan, nahihiya kasi siyang maunahan pa siya ni Mayor Ethan na magising kahit pa puyat siya ay bumangon na agad at naghanda. Isa pa ay gusto niyang may mapagtanungan tungkol sa kagabi pang gumugulo sa kaniyang isip.

"Ang aga mong nagising, Jowee, mamaya pa pasok ninyo ah," puna ni Manang Lorna na kasalukuyang naghahanda ng almusal.

"Hindi lamang po ako makatulog ng maayos," sagot ng dalaga at tinulungan nito ang katiwala sa paghahapag ng pagkain.

"Bakit? Hindi kaba komportable sa kuwarto?"

"Hindi naman po sa ganoon, may mga bagay lamang akong naiisip,"

"Maupo kana at magsimula nang mag-almusal, maya-maya lang ay lalabas na rin ng kuwarto si Sir Ethan,"

Humila ng upuan ang dalaga saka inilapag ang tinimplang kape sa mesa bago maupo. "Manang Lorna, may kakambal ba si Ma'am Margot?" tanong nito sa katiwala.

Napatigil si Manang Lorna at nagawi ang tingin sa bumungad na Mayor sa komedor na napahinto rin ng marinig ang tanong ni Jowee.

"Bakit mo natanong?" Tanong ng katiwala at nagpatuloy sa paghahapag.

"Kasi, kagabi, habang tinitingnan ko ang mga gamit ni Ma'am Margot, may mga napansin akong body features niya, lalo na ang penmanship niya na katulad ko. I mean, hindi ko sinabing ako ang kakambal niya kung meron man pero, pero parang iba kasi," pinipilit na bigyang paliwanang ito ng dalaga sa madaling salitang maiintindihan ng kausap.

Muling sumulyap si Manang Lorna kay Mayor at hindi niya muna ito in-acknowledged ng nanatili itong nakatayo sa kinatatayuan at humudyat na ipagpatuloy lamang ng katiwala ang pakikipag-usap kay Jowee.

"Walang kakambal si Ma'am Margot," alanganing sagot ng Katiwala habang ang tingin ay na kay Mayor na naghihintay na itama siya nito. Subalit nang hindi siya nito itinama ay nagpatuloy siya. "Nag-iisang anak lamang si Ma'am Margot.

"Magkuwento ka Manang tungkol sa kaniya," nagkainterest na wika ng dalaga.

Muling bumaling ang Katiwala kay Mayor upang humingi ng permiso kung magkukuwento ito. Tumango naman ang Mayor at sumandal sa pader upang patuloy na making. Walang kamalay-malay ang dalaga na andoon na sa bandang likuran niya ang Alkalde.

"Dating kapitan ng Barangay ang Daddy ni Ma'am Margot, kapartido siya ng Papa ni Sir Ethan noong ito pa ang Mayor ng bayan natin kaya madalas nagpupulong sila sa bahay nila Sir at Ma'am Santillan lalo tuwing malapit na ang kampanya. Maka-Daddy si Ma'am Margot at nagpipilit sumasama sa mga lakad ng kaniyang Daddy kahit nagagalit si Ma'am Vanessa. At doon nagsimula ang love story nila ni Sir Ethan."

"Kung ganoon, pareho pala ang Tatay ko at ang Daddy ni Ma'am Margot na dating Kapitan ng Barangay?" Tanong ng dalaga.

"Why are you asking?" Singit ni Mayor Ethan na kunwa ay kadarating lang.

Napatayo sa kinauupuan ang dalaga at bumaling dito. "Mayor, good morning po, pasensiya na nauna na akong kumain,"

"Go head, ipagpatuloy mo pagkain," wika ni Mayor saka humatak na rin ng silya at nagsimula ng kumain. "Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong nito sa dalaga.

"Medyo naninibago lang ako sa silid, pero ayos naman po."

"Just have yourself feel at home, and you are welcome here hanggang hindi pa bumabalik si Nanay Trining."

Matapos silang kumain ay sabay na silang nagtungo sa City Hall. Pagdating sa opisina ni Mayor Ethan ay andoon at bumungad si Gwen.

"No phone calls not even a text for a week!" Naiinis na wika nito kay Mayor.

in-love ako kay Mayor (a story from the story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon