Part 3

65 3 0
                                    

"Mr. Tttttt! May magandang kwento ako sa iyooo!" Patili at masayang bungad ni Sef kinaumagahan pag-pasok sa opisina subalit napatigil siya ng madatnan niya itong nakapangalumbaba at ang mukha ay humahaba sa pagkakasimangot.

"Ay, bakit? Anong nyare?" Tanong nito at humila ng upuan sa tabi ng baklang kaibigan.

Sinulyapan lamang siya ni Mr. T at bumalik sa dating pwesto habang nilalaro-laro ang tasang pinag-inuman ng kape.

"Psst, may lover's quarrel na naganap," pabulong na sigaw ni Lily na nakapwesto na sa may counter o cashier at inaayos na ang kaniyang area.

Napalingon si Sef sa kaniya at bahagyang ngumiti ito at maya-maya ay balik tingin ito sa nagdadramang si Mr. T.

"Kwento kana dali, makakabawas sa bigat ng nararamdaman mo iyan," ganyak nito.

"Wala pa ako sa mood, ikaw ano ba ang ikukuwento mo?" Malungkot na tanong ng kausap.

"Ikaw muna magkwento, saka na ang akin, hindi kasi bagay sa mood mo ang kwento ko,"

"Gaga, hwag ka nang sumabay sa emote ko, magkuwento ka nalang para malighten ang mood ko,"

"Ayoko, di mo maaapreciate, kasi may dinadala kang sama ng loob,"

"Tsk,"

"Si Sir Hen ba?" Hula ng dalaga.

"Sino pa ba, e siya lang naman ang nagbibigay ng saya at lungkot sa beshie natin," singit ni Lily na kunwa ay hindi nakikinig at abala sa pwesto.

Binalingan siya muli ni Sef ng tingin at binigyan ng warning look na dinedma naman ng huli.

"Ano bang nangyari kasi?" Muling tanong ni Sef kay Mr. T.

"Nakikipaghiwalay na siya sa akin," napilitang kwento ni Mr. T sabay iyak nito.

"Babatukan ko na ang buteteng iyan sa kaartihan niya, pigilan mo ako," bulong ni Lily kay Sef na hindi napansing nakalapit na sa tabi niya.

Palihim siyang siniko ni Sef dahil sa sinabi.

"Bakit daw?" Tanong muli ni Sef kay Mr. T.

"Kasi nagselos siya dun sa waiter na kumausap sa akin at feeling niya nagpapacharming daw sa akin," muling kwento nito at pumalahaw ulit ito ng iyak. Hinaplos-haplos siya sa likod ni Sef.

"Wow ha? Ang ganda mo bakla, kakainggit ka!" Hindi makatiis na komento ni Lily saka napatayo sa kinauupuan.

Tinapunan lamang siya ng masamang tingin ni Mr. T at lalong pumalahaw ng iyak.

"Tumigil ka na nga diyan, Lily, bumalik ka na sa kaha mo," saway ni Sef. Sanay na siya sa dalawang kaibigan na kung magbangayan ay wagas.

"O anong nangyari matapos? Anong napagkasunduan ninyo?" Tanong niya kay Mr. T na noon ay nagpupunas na ng luha.

Natigil ang pagsusulat ni Jowee ng umiksena ang isang tawag sa kaniyang cellphone.

"Sir Henry?"

"Jowee, maaga tayong pinapupunta ni Mayor sa bahay niya, doon na daw tayo manggagaling sa kanila patungo sa party,"

"Ganon ba, sige pupunta na ako,"

Pagkaoff ng phone ay nagdumali na itong magbihis, napatuyo nanaman niya ang kaniyang buhok kanina pa. Tumuloy ito sa bahay nila Mayor Ethan at nadatnan na nga niya doon si Tonchie at Henry.

"Balita ko, ikaw ang isasamang escort ni Mayor sa event, bakit ganyan ang suot mo?" Tanong sa kaniya ni Henry, ng dumating siya sa bahay ni Mayor Ethan. Ang lahat ay naghahanda sa pagpunta sa event. Nakabarong si Henry at nakalongsleeve polo naman si Tonchie.

in-love ako kay Mayor (a story from the story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon