Part 5

63 3 0
                                    

"O ano nanaman iyan at ngingiti-ngiti ka na namang mag-isa diyan? Anong meron sa phone mo?" Tanong ni Lily kay Sef habang sila ay nakalunch break.

"Sino ba namang di mai-in-love sa idol kong Mayor, trending nanaman siya sa twitter at facebook dahil sa ginawa niya, grabe, di ko na mapigilan ang sarili ko, sobrang in-love na ako sa kaniya," tila umaawit ang puso ni Sef at kumukutitap ang mga mata nito habang sinasagot ang tanong ni Lily.

"Manahimik ka na nga diyan, kung dati bukang bibig mo si Mayor Ejs, ngayon mas lalong bukang bibig mo na talaga, walang araw at sandaling hindi mo siya nababanggit at naibibida sa amin ah,"

"Grabe, namimiss ko na siya, kalian ba siya oorder ulit ng bubong? Hindi ba magkakaproblema ang bubong na pinagawa niya? Para naman magkaroon ako ng excuse na makaputa sa kaniya,"

"Hindi mangyayaring magkaproblema ang bubong na inorder niya sa atin, matibay ang mga bubong natin, at tigilan mo ang kakapantasya kay Mayor, instead, maghanap ka na ng jowa mo upang matigil ka diyan, napakaimposible mo talaga, dinaig mo pa si Mr. T."

"Gagawa ako ng paraan upang makita ko si Mayor, kakapalan ko na ang mukha ko, namimiss ko na kasi siya, lagi na lang sa balita ko siya nakikita, ayaw ko naman siyang i-message doon kasi baka di niya ako papansinin at baka i-bash ako ng mga followers niya,"

"Magising ka nga, kakakain lang natin pero kung umasta ka para kang nalipasan ng gutom, magsama nga kayo ni Mr. T, pareho kayong hopeless romantic," kuno't-noong wika ni Lily habang nagliligpit ng pinagkainan.

"Teka, hindi pa ba bumabalik si Mr. T? Matatapos na ang lunch break ah, ang sabi lang niya sabay silang kakain sa labas saglit ng ever dearest boyfriend niyang si Sir Hen."

"Hay naku, isa pa iyan, noong nakaraang araw lang kung makaiyak akala mo namatayan, hindi rin naman niya matiis si Sir Hen, sinuyo din naman kaya ayun happy life nanaman tapos maya-maya iiyak nanaman, ewan ko ba sa mga buhay ninyo, buti pa ako, masaya na ako sa aking one and only daughter kahit na single mother ako, kuntento na ako dahil ang mga lalaki ay sakit lang ng ulo."

"Ewan ko sa iyo, pusong bato ka kasi, lagi ka na lang nakakontra,"

"Lily, tumawag ka sa City Hall at tanungin mo kung natanggap na nila ang bills na ipinadala ko sa kanila noong makalawang araw," utos ni Boss Carlos nung lumabas ng kaniyang opisina.

"Opo Boss," sagot ni Lily.

"Boss, para sure, baka gusto mong saglitin ko sa City Hall ngayon upang personal kong maconfirm? At kung may available ng cheke, kukunin ko na rin," agad lapit ni Sef sa kanilang Boss.

Nanulis naman ang nguso ni Lily.

"Walang mag-aasist dito kung may walk-in client, nasaan ba si Mr. T?"

"Naglunch break sa labas kasi, pero pabalik na rin iyon," wika ni Sef.

"Bweno, magandang ideya ang sinabi mo, tawagan mo si Mr. T, total nasa labas na naman siya, dumaan na siya ngayon sa City Hall upang magfollow up,"

Natawa ng lihim si Lily sa narinig, pinagkunutan naman siya ng noo ni Sef.

"Boss, ako na lang, mas mabilis akong kumilos kay Mr. T."

"Hay naku Boss, pagbigyan mo na si Sef, para mapagpag ang kinain, at isa pa may ipafollow up din pala siyang order sa office ni Mayor, alam mo na, mahalagang client natin si Mayor, kailangang follow up feedback para sa ating transaksiyon sa kaniya hindi ba? At si Sef ang may hawak ng account niya," salo ni Lily.

"Ganoon ba? O siya sige, tawagan ninyo si Mr. T na agad ng bumalik dahil aalis itong si Sef," sang-ayon ni Boss Carlos. "Siyanga pala, may lalakarin ako at aalis na muna, pero babalik din ako mamayang bago alas singko," dugtong pa nito at lumabas na ng kanilang opisina.

in-love ako kay Mayor (a story from the story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon