Part 10

59 3 1
                                    

Kahit isang Linggo na ang nakalipas, hindi parin mawala-wala sa isipan niya ang babaeng nakausap ni Mayor Ethan na ayon nga kay Manang Lorna ay Nanay ni Margot. Kahit anong gawing paglilibang niya ng paulit-ulit ang kaniyang sarili ay nananatili parin sa isip niya ang narinig niyang usapan ng dalawa.

Hindi rin nasagot ang tanong niya sa sariling, bakit kailangang isama siya ni Mayor Ethan sa bahay nito ng araw na iyon nang wala namang ipinagawa. Nang makaalis kasi ang biyenan nito ay hindi na lumabas ng silid niya si Mayor Ethan. Kaya't napagpasyahan na lamang ng dalaga na makipagbonding kay Nichie.

Hindi parin siya gaanong kinakausap ni Mayor Ethan subalit kapag nawawala naman siya sa paningin nito ay agad siyang ipinatatawag.

Dumiretso siya ng pasok sa City Hall nang umagang iyon, nasa bungad  palang siya ng Munisipyo ay hindi na siya makausad sa paglakad patungo sa opisina ni Mayor sa dami ng mga kumakausap sa kaniyang taga ibang departamento upang mag-follow up ng ibat-ibang transaksiyon mula sa opisina ng Mayor.

"Hello," sagot niya sa kaniyang cellphone ng tumunog ito. Hindi niya pinagkaabalahang tingnan ang caller dahil nakasisiguro naman siyang kung hindi si Henry ang tumawag ay si Tonchie.

"Nasaan ka?" Malamig ang tonong tanong sa kaniya. Agad naman siyang napatayo ng tuwid dahil alam niyang boses ito ni Mayor at as usual, napakacold nito sa kaniya.

"Good Morning, Mayor, andito na ako sa City Hall,"

"I know, but why you're not here in the office yet?" Tila naiinis na tanong nito.

"May mga dinaanan po kasi akong ibang departamento kaya't hindi pa ako nakakagawi diyan, Mayor, sensiya na,"

"At kailan kapa naitransfer ng ibang departamento?"

"Ahm, may mga tinatanong lamang sila sa akin at in-assist ko lang sila, Mayor, papunta na ako diyan,"

Narinig niyang nagcut na ang linya. Nagmadali siyang nagtungo sa building kung saan ang opisina ng Masungit na Mayor.

Pagdating niya ay hinihingal pa siyang marahang pumasok sa opisina, walang tao doon sa receiving area pero dinig niyang may kausap si Mayor, sumilip siya sa opisina nito na glass door at hindi nga ito nagkamali dahil andoon ang dalawang konsehal at tila may isinasangguni.

Nilapitan niya ang office secretary ni Mayor Ethan. "Nancy, nasaan sila Sir Henry at Tonchie?"

"May iniutos si Mayor sa kanila."

"Ha? Bakit diko alam at hindi ako isinama?"

"Ewan, narinig ko lang kanina na tinawagan ni Mayor si sir Henry, pinadediretso na sila kung saan man iyon kasama si Tatang Ben."

Tumango na lamang si Jowee at nagtungo na sa kaniyang mesa, katabi ang mga mesa nila Tonchie at Henry. Sinimulan niya ang kaniyang trabaho at katagalan ay natanaw na niyang lumabas ang mga kausap ni Mayor. Agad siyang tumayo upang siya naman ang pumasok sa opisina nito.

"Mayor, may kailangan po ba kayo?" Alinlangan niyang tanong

Tinapunan lamang siya ng tingin ni Mayor saka nito inabot ang isang take out coffee sa kaniya at nagpatuloy parin siya sa ginagawa sa harapan ng kaniyang malaking computer screen. Naupo naman si Jowee sa silyang nasa harapan ng mesa ni Mayor.

"A...ano po ito Mayor?" Kunot noong tanong niya.

"Obviously it's a coffee," kunot noong sagot din ng Mayor at kinuha ang kapeng para naman sa kaniya at ininom.

"Para po ba sa akin?"

Muling napakunot noo ang Mayor kasabay ng pagsulyap sa kaniya. "Drink it while its warm," wika nito kasabay ng pagtuon muli ng mata sa ginagawa.

in-love ako kay Mayor (a story from the story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon