Naniniwala ka ba na ang buhay natin ay isang kuwentong nakasulat na, datapwat nagbabago ang takbo nito depende kung paano mo laruin ang sarili mong buhay? Naniniwala ka rin ba na ang kapalaran ay hindi namamanipula, subalit ang tadhana ay maari mong baguhin dipende sa iyong pipiliin? Na ang buhay ay binubuo ng singkwenta porsyentong kapalaran (fate) at singkwenta porsyentong tadhana (destiny)? Ito ang lalaruing papel sa buhay ng mga karakter sa kwento. Ang nobelang ito ay may dalawang magkatulad na kuwento. Kung ano ang kanilang pagkaka-ugnay, ito ang ating aabangan. Written by: emgee sison