Part 11

63 2 1
                                    

Dahil malapit lang naman sa may ilog ang ipinatatayong relocation site ng City Government, naisipan ni Sef na maglakad-lakad muna doon at busugin ang kanyang mga mata sa ganda ng kalikasan kaysa tuluyan siyang ma-upset na andoon nga si Mayor Ejs sa site subalit, kasama naman niya ang magandang modelong na li-link sa kaniya.

"Wala na talaga akong pag-asa sa iyo Mayor, tanging pangarap ka na lamang talaga," malungkot at selos na selos nitong sabi sa sarili.

Naistorbo si Jowee sa pagsusulat ng kaniyang nobela ng makatanggap siya ng text mula kay Tonchie.

"Jowee, pinasasabi ni Mayor na dumiretso ka daw sa bahay niya ngayon imbis na sa City Hall." – Tonchie

"Ha? Pero nakila Madam Santillan si Nichie, iniwan namin siya doon kagabi," – message sent.

"Huwag kang mag-alala, hindi ka pag-aalagain ng bata," – Tonchie. May kasama pang laughing emoticons ang mensahe nito.

Naiiling na naghanda ng pumasok ang dalaga.

Pagdating sa bahay ni Mayor, naabutan nito si Manang Lorna sa kusina na naglalagay ng mga pagkain sa isang picnic cooler.

"Manang Lorna, mukhang may outing ah," puna nito.

"Oo nga,"

Tinulungan niyang maghanda ng mga pagkain ang katiwala at inilagay sa dalawang malalaking cooler.

"Ang dami naman neto, parang magtatagal ang mag-a-outing ah," muli niyang pansin.

Tinulungan niya si Manang Lorna na buhatin ang mga ito pasakay sa sasakyan ni Mayor Ethan. Sa compartment ay may dalawang malalaking duffel bags pang andoon.

"Let's go," wika ni Mayor Ethan na hindi nakapangformal attire sa halip ay nakashorts lamang itong wool black hanggang ibabaw ng tuhod ang haba at nakapolo shirts na dilaw at sneakers.

Napanganga sa pagtataka ang dalaga.

"Sige na sumakay ka na rin, mag-iingat kayo ah," wika ni Manag Lorna sa dalaga nang makitang nauna nang sumakay si Mayor Ethan sa driver's seat.

Nagtatakang sumunod si Jowee.

"Mayor, may outing po ba?" Hindi matiis na tanong ng dalaga.

"Yes," maiksing sagot ng Mayor habang ang tingin ay sa daan.

"Naku sana po, agad ninyong sinabi, wala akong dalang gamit,"

"I have your things at the compartment,"

"Po? Pero paano?" Parang sa sarili lamang naitanong ito ng dalaga pero sapat na marinig ito ni Mayor na hindi naman pinansin.

"Hindi po ako nakapagpaalam kay Nanay," muling protesta ng dalaga.

"I already did," matipid paring sagot ng Mayor.

Napatango na lamang si Jowee. "Malamang kaya kinausap niya si Nanay kagabi dahil dito, bakit kaya hindi man lamang binanggit ito ni Nanay sa akin, at bakit hindi ako sinabihan ng mabuting Mayor na ito?" naisip niya at nanahimik na lamang ito kahit maraming paano at bakit sa isipan niya.

Matapos ang mahabang biyahe, nakarating sila sa isang mamahaling resort sa bandang south.

"Wow!" Humahangang nasabi ng dalaga pagkababa ng sasakyan at matanaw nito kung gaano kaganda ang paligid at kalinis. Tanaw na agad niya ang dagat sa hindi kalayuan.

"Mayor, mukhang nauna tayo kila Sir Henry, mabagal kasing magmaneho si Tatang Ben. Sana pala iisang sasakyan na lamang ang ginamit natin," nakangiting wika ni Jowee habang kinukuha ang mga dala sa compartment. Agad siyang tinulungan ni Mayor magbuhat at lumapit naman ang dalawang trabahador ng resort at tumulong magbuhat ng gamit at dinala sa inupahang tutuluyang bahay.

in-love ako kay Mayor (a story from the story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon