Part 17

63 3 0
                                    

Matapos ang isang Linggong pagkukulong at halos hindi pagkain, bumalik si Jowee sa bahay ni Mayor Ethan. May benda pa ang isang kamay dahil nasugatan ito sa pagwawalang ginawa sa pamamagitan ng pagbabasag niya ng mga gamit sa kaniyang kuwarto.

Napatigil sa kinatatayuan si Mayor Ethan at nakatingin sa kanya maging sa benda sa kaniyang kamay, alam din nito ang nangyari sa kaniya dahil nirereport lahat ito ni Nanay Trining.

"You're here!" Masayang wika niya subalit pinanatili ang distansiya kay Jowee.

"Wala naman akong alam na pupuntahan na tunay na pamilya kung hindi dito, saan mo pa ba ako inaasahang pupunta?" Sagot ni Jowee habang matalim ang tingin sa Mayor.

"Thank you for considering that, anyway."

"Miss Jowee, you're here! I miss you," biglang takbo ni Nichie sa kaniya at yumakap ng pumantay si Jowee sa kaniya.

"I miss you too, Nichie. Don't worry, hindi na ako aalis," nakangiti niyang wika.

"Really? You're going to stay here with us for good?" Paniniguro ni Nichie.

Tumango si Jowee na nakangiti at medyo pinangiliran ng luha habang tinititigan ang masayang mukha nang kaniyang anak.

"Daddy, did you hear that?" Masayang baling ni Nichie sa ama na nanatiling nakatayo malapit sa kanila. "Miss Jowee will stay with us from now on, can she do that?" Paniniyak nito sa ama.

"Of course, and I want you to call her Mommy from now on, Nichie," masayang kumpirma ng Mayor.

"Wow! Really? Why, siya na ba ang napili mong maging Mommy ko? Pinagbigyan mo na ako sa wakas Daddy?" Natutuwang muling paniniguro ng bata at hindi makapaniwala.

Tumango ang Mayor.

"Narinig mo iyon. Miss Jowee? Pwede na kitang tawaging Mommy sabi ni Daddy!" Baling ng bata kay Jowee.

Nakangiting tumango si Jowee at hinalikan ang bata.

"Daddy, si Miss Jowee na ang pakakasalan mo?" Muling tanong ng bata sa ama ng balingan niya ito.

"I told you, call her Mommy and she is your Mommy from now on," utos ng Mayor.

"Yeah, of course," nakangiting sang-ayon ng bata at tumingin kay Jowee at hinaplos ang buhok nito. "Mommy!" Wika nito kay Jowee at niyakap niya ito ng mahigpit.

"Come, and let's play," aya ni Jowee ng tumindig ito at hinawakan sa kamay si Nichie upang isama sa hardin. Nakasunod tingin lamang si Mayor Ethan sa kanila at ang ngiti sa mga labi ay hindi mapalis.

"What happened to your left hand? Bakit may balot?" Tanong ni Nichie habang papalabas sila ng bahay.

"Nasugatan sa nabasag na baso," dahilan ni Jowee.

"Ouch, is it hurt?"

"Hindi na masyado, gagaling na rin ito kasi nakita na kita muli,"

Naiiling na nakinig lamang si Mayor Ethan sa conversation ng kaniyang mag-ina at bahagya siyang sumunod sa kanila upang tanawin ang kanilang paglalaro sa may hardin kasama si Susette.

"Natutuwa po akong makita silang magkasamang naglalaro, alam kong kahit papaano, lalo't ngayong alam na ni Ma'am Margot ang tunay niyang pagkatao, ay dama niya sa puso niya ang pagmamahal sa anak ninyo," masayang lumapit si Manang Lorna sa tabi ni Mayor Ethan at sinamahan niya itong tumunghay sa masayang paglalaro ng tatlo.

"Kahit naman hindi pa niya alam ang totoo, alam nating ang paggiging close nila ni Nichie ay dahil sa lukso ng dugo, Manang Lorna,"

"Tama po kayo diyan, Mayor, at hangad kong maintindihan at matanggap ni Ma'am Margot ang lahat ng naging desisyon mo sa lalong madaling panahon."

in-love ako kay Mayor (a story from the story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon