Part 21

95 3 2
                                    

"Grabe Manang Lorna, nakakainis ang ending ng love story nila Mayor Ejs at Sef! Bitin, hindi man lang sinabi anong nangyari kay Sef pagkatapos!" Dumadabog pa ang mga paa ni Susette habang nagkukuwento. Naiiling naman si Manang Lorna at mukhang hinayang din siya sa ending.

Natawa si Jowee sa naririnig na kuwentuhan ng dalawa, napilitan siyang lapitan na ang mga ito, naiinip kasi siya dahil maaga siyang nagising at dahil araw ng Linggo ay wala naman siyang mapaglibangan at dahil tulog pa naman si Nichie.

"Manang Lorna, okay lang bang pumasok sa kuwarto ni Mayor Ethan?" Tanong niya sa katiwala. Ilang araw nang wala si Ethan dahil sa event na pinuntahan kasama si Tonchie at Gwen.

"Oo naman, wala naman akong masamang nakikita doon dahil mag-asawa naman kayo," kuno't noong sagot ni Manang Lorna.

"Manang......" napabuntong hiningang wika niya.

"Lahat ng mga bagay na andito na nakikita mo ay si Ma'am Margot ang may pakana, lahat ng mga halaman sa hardin ay siya ang nagtanim, lahat ng mga display sa bahay mula sa mumunti hanggang sa malalaking dekorasyon ay siya ang nag-isip at nag-abalang bumili. Lahat ng mga gamit na ginagamit ko sa kusina kahit na sandok ay siya ang namili. Hinayaan siya ni Sir Ethan na gawin iyon dahil siya ang ilaw ng tahanan dito, at ikaw rin iyon, Jowee. Kaya't lahat ng naisin mong gawin at puntahan sa kahit aling sulok ng bahay na ito ay walang magagalit sa iyo, karapatan mo iyon bilang may-ari ng bahay na ito," paliwanag ni Manang Lorna.

"Miss Jowee, este Ma'am Margot, alam ko pong nakakapanibago, dahil kahit ako ay hindi parin makapaniwala, pero bilog ang mundo sabi nga nila, ang mga bagay na hindi mo inaasahan ay siya palang tunay," nakangiting wika ni Susette. "Atsaka, bakit Mayor parin ang tawag mo kay Sir Ethan? Kahit ikaw si Miss Jowee, sinabi na ninyo kay Nichie na kayo na ni Sir Ethan hindi ba? Kaya dapat kung wala man kayong endearment ni Sir, first name basis ang tawag mo sa kaniya," dugtong pa nito.

"Naku Susette, masyado ka nang nagiging acquainted sa mga binabasa mo," naiiling na wika ni Jowee saka iniwan na ang dalawa.

Nagdadalawang isip siyang nagtungo sa kuwarto ni Ethan. Pagkabukas ng pintuan ay agad makikita ang dilim ng kuwarto na nagpapalungkot sa paligid, mula sa navy blue beddings at dark gray curtains. Isang queen size na kama na may isang simpleng lampshade na nakapatong sa drawer sa gilid ng kama, built-in cabinet, isang couch na may maliit na mesita, aircon at isang estante sa isang sulok na may ilang mamahaling alak lamang ang laman ng kuwarto, halatang napakalungkot ng taong nagkukuwarto dito. Nalungkot siya sa nakikita, dama niya kung gaano nangungulila si Ethan sa kaniyang pagkawala. Hindi niya inaasahang tutulo ang kaniyang mga luha. Naupo siya sa gilid ng kama at niyakap ang unan ng Mayor.

"I'm sorry, I am really sorry, kay tagal mo na sigurong nabubuhay sa kalungkutan," naibulong nito sa sarili. Bigla niyang naramdamang namiss niya ang presensiya ng Mayor. "Bakit kasi ang tagal bumalik ng isang iyon, ang sabi two weeks lang ang activities, pero three weeks na hindi parin siya nakabalik," naisip pa niya.

Matapos maging emosyunal, naisipan niyang ayusin ang kuwartong iyon, gagawin niyang buhay upang magkaroon ng good vibes.

Pinalitan niyang mag-isa ang mga kurtina sa kulay puti, at ang beddings sa kulay light blue. Iniba din niya ang puwesto ng couch at nilagyan ng hindi kalakihang old gold dragon figurine ang gitna ng mesita. Nilagyan din niya ng fresh indoor plant ang ibabaw ng estante ng mga alak.

Patapos na siya ng marinig ang iyak ni Nichie sa labas ng kuwarto at maya-maya ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang bata kasama si Susette.

"Pagkatapos niyang mag-almusal hinanap ka niya, Miss Jowee, at umiiyak," wika ni Susette.

"Bakit Nichie?" Tanong nito sa anak.

"I thought you were gone," may luha pa sa matang sagot nito at yumakap kay Jowee.

in-love ako kay Mayor (a story from the story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon