O. A. F. S. 8

25 3 1
                                    

Pangpadepress na chapter. ^_^

Dedicated to: ILoveCloe11

------------

ONCE A FALLING STAR
Chapter 8

Alora Fulgar's P.O.V


PAGKABABA namin ni Tyrone sa tricycle agad ako nitong hinawakan sa balikat at tinitigan ako ng mariin. Hindi ko magawang mailang sa paraang ng pagtitig niya ng mga oras na iyon dahil namomroblema ako sa pwedeng sabihin ni Mama sa oras na pumasok ako ng bahay.

"Sasamahan na kita, ako na ang bahalang magpaliwanag sa Mama mo kung ba't tayo ginabi," saad niya pero mabilis akong umiling.

Mas mabuting 'wag niya akong samahan dahil oras na gawin niya iyon hindi ko masisikmura ang sasabihin ni Mama sa kaniya. Oo, mabait si Mama kung minsan pero sa pagkakataong ito hindi na niya iyon makikita. At madidismaya lang siya sa pagkakakilala niya dito.

Kinakabahan ako para sa kaniya at the same time natatakot. Natatakot ako na baka masaktan siya.

"Hindi na Tyrone, ako na ang bahalang magpaliwanag kay Mama. Umuwi ka na lang. " Pagtatanggi ko sa anumang binabalak niya at umiling-iling pa.

Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko.

Napatiim bagang ito at dumilim ang ekspresyon nito.

"Responsibilidad kita Alora kaya dapat ako ang magpapaliwanag. Sige na isama mo na ako." Sa dulo niyang sinabi batid ko ang pagmamakakaawa niya pero hindi, hindi ko siya papayagan.

Muli akong umiling.

"Umalis ka na lang Tyrone. Gustuhin mo man pero hindi kita hahayaan, umuwi ka na sa inyo at magpahinga. Alam kong napagod ka ngayong araw sa mga ginawa natin. 'Wag mo akong alalahanin, hindi ako mapapagalitan bastang maipaliwanag ko lang sa kanila ng maayos," pahayag ko at dinagdagan ito ng matamis na ngiti para sabihing 'wag siyang maalala.

Naptitig ito sa mga mata ko at pilit na inaarok ang nilalaman nito kung nagsisinungaling ba ako o hindi pero dahil gamay ko na ang pagtatago ng iba't ibang emosyon hindi niya makikita na talagang nagsisinungaling ako ng bahagya sa kaniya.

Napabuga ito ng hangin at binitiwan ang mga balikat ko. Malungkot itong tumingin sa akin habang unti-unting lumalayo. Nang tumigil ito ng ilang pagitan sa akin ay napatingala ito sa kalangitan na puno ng mga kumikinang na bituin. Nagsalita ito.

"Bakit pakiramdam ko hindi na ulit kita makikita at ito . . . sa tingin ko ito na ang huli na makakasama kita," Medyo garalgal na wika niya.

Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makita ang mukha niya na puno ng lungkot. Mas maganda 'yong kanina na nakangiti siya habang nagpeperya kami. Gusto kong lagi iyon makita.

"Grabe ka naman, 'wag ka dyan malungkot magkaklase tayo kaya palagi tayong magkikita. Iniisip mo siguro 'yong pagbabanta ni Mama noh sa simbahan. 'Wag ka hindi 'yon totoo, pananakot lang niya iyon saka ang sabi niya 'hindi ka na makakalapit' wala siyang sinabing hindi mo na ako makikita kaya sige na umalis ka na. 'Wag kang mastress masyado." Pagpapagaan ko ng loob niya.

"You're right, magkaklase pala tayo. Pasensya na nakalimutan ko. " Napabuntong hininga ito saka tumingin sa akin at bahagyang ngumiti.

"I'll trust you, Alora. Alam kong pagsinabi mong hindi, hindi kaya hindi na kita pipilitin. Sige alis na ako kita na lang tayo tomorrow sa school," aniya dahilan para sumikip ang dibdib ko.

Tumango na lang ako sa kaniya at pinagmasdan ang pag-alis niya. Sumakay ito sa dumaang tricycle, buti komportable na siya sa pagsakay dito. Hindi na hassle sa kaniya. Kumaway ito kaya kumaway din ako pabalik.

Once A Falling Star (Star Series 3) -CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon