O. A. F. S. 12

37 4 6
                                    

Alam kong nakakahiya na pero kakapalan ko na ang mukha ko. Author wizvisionary thank you sa lahat, especially sa mga comment and vote sa dating F.S. Magulo kasi ang utak ko kaya pagpasensyhan mo na. Bangag lang.Hehehe.

Music Play: Is You By: Ailee

------------

ONCE A FALLING STAR
Chapter 12


Tyrone Gail Teotimo's
P. O. V

KINAUMAGAHAN...

Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa hitsura ko. Kung hindi lang para kay Alora hindi ko 'to gagawin. Nakasuot ako ngayon ng pangbabaing damit at may suot din akong wig. Napabuntong hininga ako saka dahan-dahan na pinaglandas ang lipstick sa mga labi ko. Nang matapos ay tuluyan ko nang nakita ang resulta ng ginawa ko. I am now a girl. Walang makakahalata na isa akong lalaki dahil sa ayos ko. P*ta lang dahil hindi ako sanay pero ayos lang kung ito ang pinakamadaling paraan para makausap ko ng malaya si Alora.

Napatingin ako sa pinto ng biglang may kumatok dito.

"Come in." Pagpapasok ko kay Mr. Taki. Siya lang kasi ang inaasahan ko na pupunta dito. Wala sila Mama ngayong araw dito sa bahay dahil nandoon sila ni Papa kasama si baby Sole sa hacienda Sahar sa Milaryu, namamasyal. Saka sila lolo at lola na din, mama's parents.

Nagulat si Mr. Taki ng makita ang ayos ko pagpasok niya. Hindi agad ito nakapagsalita pero bumakas sa mga mata niya ang pagkamangha habang pinapasadahan niya ako ng tingin.

"Alora is very lucky to have you," aniya na ikinataas naman ng isang sulok ng labi ko.

"Yeah." Nakangising pagsang-ayon ko saka siya sinenyasahan na aalis na kami.

Humigit muna ako ng malalim na hininga bago ko napagpasyahan ang lumabas ng sasakyan. Nakita ko si Alora di kalayuan, bumibili sa isang tindihan. Hindi ko alam kung ano ang binibili niya pero wala na akong paki doon na alamin pa. Nang makabili siya ay agad siyang naglakad paalis na mismong dito sa kinaroroonan ko dadaan. Hinanda ko ang sarili ko at nang mag-angat siya ng mukha nagtama ang mga paningin naming dalawa. Napatigil ito sa ginagawang paglalakad at nakangangang napatitig sa akin. Napangisi ako at kinindatan siya.

Napalunok ito at kasabay nito ang bahagya niyang pagtawa. Mabilis itong lumapit sa akin.

"Ikaw ba 'yan, Tyrone?" Di makapaniwalang saad niya habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Makikita sa mga mata nito ang pagkamangha .

"Yeah," Simpleng sagot ko at bahagyang napakamot saka muling nagsalita.

"Hindi naman halata diba na lalaki ako. Walang makakaalam?" Medyo alanganin na wika ko.

Napangiti naman ito.

"Ano ka ba. Hindi ka mapaghahalataan. Mas maganda ka pa nga sa akin eh. Tiyak maraming lalaki ang magkakagusto sa'yo . " Aniya dahilan para mapasimangot ako.

"Hindi ako ang para sa kanila Alora. Hindi ako papatol sa mga kauri ko. How gross kung magkakatuluyan kami," pabaklang saad ko na ikintawa naman niya ng malakas.

Sa tanawing iyon, hindi ko din mapigilan ang mapangiti.

"Ang cute mo talaga kapag ganiyan ka. Sana tuluyan ka nang maging bakla, nakakatakot kasi kapag totoong lalaki ka. " Aniya na hininaan ang dulo. Sa sinabi niyang iyon nawala ang mga ngiti ko. Mariin akong napatitig sa kaniya dahilan para mailang siya at mapaiwas ng tingin.

Once A Falling Star (Star Series 3) -CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon