Hello, FrancisKylaGumboc! Sana ma-achieve mo ang goal mo dito sa Wattpad. This chapter is dedicated to you.
Music play: Just Look For You by: Ailee
------------
ONCE A FALLING STAR
Chapter 11Tyrone Gail Teotimo's
P. O. VDalawang buwan na ang lumipas at pa hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakabalik sa dati. Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang mga sinabi ng Mama ni Alora sa akin. Masakit dahil pinag-iisipan niya ako ng masama.
"Anak?" Napatingin ako sa may pinto ng marinig ko ang boses na iyon ni Mama.
"May kailangan kayo, Ma?" Tanong ko bago binalik ang tingin sa gitara na hawak ko.
"May problema ba anak?" Nag-aalalang tanong niya bago tumabi sa akin.
"Wala ho. Bakit niyo po naitatanong?" Saad ko habang dahan-dahan kong pinaglalandas ang mga daliri sa string ng gitara pakatapos ay muling tumingin sa kaniya.
"Alam ko may problema ka anak. Gitara palagi ang takbuhan mo kapag malungkot ka o di kaya'y kapag nasasaktan ka. Sabihin mo sa akin---si Alora ba?" Tanong nito. Umiling ako at napabuga ng hangin.
"Hindi Ma. Bumalik na kayo sa kwarto niyo at siguradong hinahanap ka na ni Papa dahil wala ka naman sa tabi niya. Pagod pa naman 'yon galing biyahe saka baka hanapin ka din ni baby Sole."
Pag-iiwas ko sa anumang gusto niyang malaman. Ayaw kong pati sila ay mamroblema sa pinagdadaanan ko. Tama na ang isang beses na tinulungan nila ako kay Rebecca pero sa pagkakataong ito ako na ang magsosolusyon ng sarili kong problema. I am a guy at dapat lang na marunong na akong tumayo sa sarili kong mga paa. Anumang desisyon na gagawin ko ay dapat na panindigan ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kasabay ng paghaplos nito sa malambot kong buhok.
"Ayaw mo ba talagang sabihin sa akin ang problema mo, anak? Baka makatulong ako." Medyo malungkot na saad niya.
Pero muli akong umiling at ngumiti ng tipid.
"Hindi na kailangan, Ma. I'm okay at kung may problema man ako, kayang-kaya ko na 'yon solusyunan. You need to trust me saka hindi ba kayo masaya na kayang-kaya ko na ang sarili ko I'm a man now, " saad ko at dinugtungan pa ng tawa. Tawa na masasabi kong hindi totoo. Napipilitan lang para pagtakpan ang totoong nararandaman.
Napailing naman ito.
"Yeah, malaki ka na nga. Sige, kung ayaw mo talagang sabihin sa akin hindi na kita pipilitin bastang nandito lang kami ng Papa mo," aniya bago ako hinalikan sa sentido.
"Good Night, Gail." Pakatapos ay lumabas na ito ng kwarto ko.
Marahas akong napabuga ng hangin saka binaba ang gitara. Humiga ako sa kama at pinagmasdan ang puting kisame ng kwarto ko. Maya-maya'y lang kumatok si Mr. Taki sa labas ng kwarto ko. Pinapasok ko naman ito.
"Alam mo na kung nasaan na siya?" Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya. Nanatiling pa rin akong nakatingin sa kisame.
" Nasa St. Madellen siya young master. Ayon sa mga napagtanungan ko, doon daw siya ipadala ni Mrs. Fulgar---sa tita niya at saka doon din ito nag-aaral." Rinig kong pag-uulat niya.
Naging blangko ang naging ekspresyon ng mukha ko at pagak na napatawa.
"Ang layo naman ng St. Madellen na 'yan. Talaga bang takot na takot sa akin si Nay Alvira na masaktan ko ang anak niya para mapaidala doon. Sige na Mr. Taki salamat sa info. Makakaalis ka na." Pagtataboy ko dito at parang pagod na pagod na tinakip ang mga braso sa aking mukha partikular sa may bandang mata ko.
BINABASA MO ANG
Once A Falling Star (Star Series 3) -Completed
RomanceNi isa walang alam si Alora Fulgar tungkol kay Tyrone Gail Teotimo.Isa lang itong transferee sa school nila na nagkagusto sa kaniya.At dahil sa wala siyang gaanong alam pagdating sa pag-ibig,ni-reject niya ito. Pero bago silang magkahiwalay,nag-iwan...