Wala akong mahanap sa google na pwedeng maging bagong portrayer ni Ms.Alora kaya kayo na ang bahalang mag-imagine sa kaniya.-------------
ONCE A FALLING STAR
Chapter 2Alora Fulgar's P.O.V
Tahimik akong nagpalinga-linga sa paligid at hinanap ng mata ko kung nasa paligid lang ba si Tyrone. Kahit magkaklase kami todo iwas ako sa kaniya. Hindi ko parin kasi nakakalimutan ang nangyari kahapon parang atang natrauma ako eh.
Si Tyrone Gail Teotimo ay isang transferee sa school namin. Hindi ko alam kung saan siya galing at kung sino ang mga magulang niya, tanungin man siya nila June ay hindi ito sumasagot kaya para sa akin isa siyang misteryosong tao na napadpad sa lugar namin. Walang nakakaalam sa pagkakakilalan niya maliban sa adviser namin na siyang humahawak ng mga impormasyon tungkol sa amin.
Napatingin ako sa dalawang babae na dumaan sa harapan ko, may pinag-uusapan silang kung ano pero napakunot-noo ako ng may binanggit ang isa sa kanila na pangalan.
"Tyrone Gail Teotimo ang buo niyang pangalan...Nasa G12-Cookery 1 ata siya ngayon.Nakita ko siya kanina na umakyat sa second floor."
Nanglaki ang mga mata ko sa narinig at agad na napaangat tingin kung saan ang Grade 12 Building. At tama nga ang sinabi ng babae nandoon nga siya at kalalabas niya lang galing loob ---teka! Room 'yon nila Renzo ah, anong ginagawa niya doon? Taranta akong napapihit patalikod ng mapatingin siya sa kinaroroonan ko. Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa bumilis. Walang lingon-lingon ang ginawa ko.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalagpas ako sa exit gate. Kapag nakikita ko siya parang mauubosan ako ng hininga minsan pa nga naco-conscious ako kapag nakikita ko siyang tumitingin sa akin. Nakakailang, dagdag mo pa ang kulay itim nitong mga mata na maikokompara sa isang gabi. Aaminin ko naaattract ako sa kaniya, sa pisikal na anyo. Ang gwapo niya kasi eh, matangos ang ilong, maganda ang mga mata,makapal ang mga kilay, medyo manipis ang mga labi, matanggkad at kutis mayaman. Parang ngang koreano siya eh na dinagdagan ng kulay puti niyang buhok buti nga hindi siya sinisita ng guard sa front gate o 'di kaya'y ng mga teacher at principal. Bagay kasi sa kaniya eh, bagay na bagay.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Justine. Kasama nito ang girlfriend niya at kasalukuyan silang bumibili ng kikiam, kwek-kwek at fishball sa tindihan nila aling Kaira. Naging isang linya ang mga labi ko ng maramdaman ko ang pagkirot ng puso ko.Namiss ko siya, namiss ko ang best friend ko. Ngayon para na kaming hindi magkakilala. Pinutol na niya ang friendship namin dahil lang sa rinding-rindi na siya sa mga pagpapayo ko, sa mga words of wisdom ko ika nila.
Lumandas ang lungkot sa mga mata ko. Bakit lahat ng tinuturing kong mga mahalaga sa akin, bigla na lang nawawala? Bakit madali nilang sirain ang tiwala ko? Si Jeian na lang ang tinuturing kong mahalaga sa akin. Napabuntong hininga ako at nang magpapatuloy na sana ako sa paglalakad bigla na lang may umakbay sa akin. Napaangat ako ng tingin at kulang na lang kumaripas ako ng takbo palayo nang makita ko ang kaniyang mukha.Blanko ang mukha niya pero 'yong mga mata niya mababakasan mo ng kapilyuhan. Kinabahan ako bigla. Ano naman ang pinaplano niyang gawin?
"Uuwi ka na Alora? Masyado pa mang maaga magmiryenda muna tayo. Libre ko," aniya tapos ginaya niya ako papunta doon sa tindahan ni aling Kaira habang nakaakbay parin siya sa akin. Pilit naman akong kumakawala sa kaniya.
"B-Bitiwan mo ako," puno ng takot na sabi ko.
"Ano ba!" Ulit ko pa pero hindi niya ako pinansin mas binilisan niya pa ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng tindihan ni aling Kaira.
BINABASA MO ANG
Once A Falling Star (Star Series 3) -Completed
RomantikNi isa walang alam si Alora Fulgar tungkol kay Tyrone Gail Teotimo.Isa lang itong transferee sa school nila na nagkagusto sa kaniya.At dahil sa wala siyang gaanong alam pagdating sa pag-ibig,ni-reject niya ito. Pero bago silang magkahiwalay,nag-iwan...