This chapter is dedicated to author nylarizza. Marami pong Salamat sa pagbabasa, pag-vote at pagcomment sa Celebrity Series 1, 'You Are My Star' saka na din sa pag-add mo nito sa reading list mo. Labis akong natutuwa dahil doon. Thank you!
------------
ONCE A FALLING STAR
Chapter 5Alora Fulgar's P.O.V
Araw ng linggo,napagpasyahan namin ni mama na magsimba ngayong araw kaya maaga palang ay gising na kami. Inihanda na namin ang susuotin naming damit. Nang sumapit ang ala siete ay umalis na kami ng bahay. Pagdating namin doon ay kakatapos pa lang ng first mass. Nagsisilabasan na ang mga maninimba.
"Anak,sindihan mo na 'tong kandila, " utos ni Mama sa gitna ng siksikan ng mga tao. Binigay naman nito sa akin ang dalawang kandila.
"Dalian mo lang," Dagdag pa niya.
Tumango naman ako.
"Sige po Ma," tugon ko bago ko siya tinalikuran at tinungo ang mga estante ng mga kandila na nasa gilid lang ng simbahan. Sinindihan ko ang hawak kong mga kandila at pinatong ito. Hindi pa man ako nakakausal ng dasal bigla na lang nagsalita ang ginang na kasabayan ko sa pagpunta dito. Mataba siya at medyo mababa kasing tanggkad niya lang siguro si Lorena na kaklase ko.
"Ang suwerte mo ija,makakahanap ka ng tunay na pag-ibig."
Napatitig ako sa kaniya at bahagyang napakunot-noo.Anong pinagsasabi niya?
Ang weird naman niya."Po?" Naguguluhan na tanong ko pero ngumiti lang ito sa akin at napasulyap sa may likuran ko.
Napatingin din ako dito at kulang na lang mapanganga ako ng makita ko ang outfit niya. Mula taas hanggang baba ay naka-all white siya.Long sleeve at white pants."Hello, Alora!" pagbati nito sabay sulyap sa ginang na 'di ko kilala at ngumiti ng tipid bago tumingin sa akin.
"Sino ang kasama mo?" Tanong nito habang pinag-aalaran ang mukha ko.
Nailang naman ako bigla sa paraan ng pagtitig niya. Gusto ko sana siyang iwasan ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko,narito kasi kami sa simbahan eh. Kahit hindi mawala-wala sa isip ko ang liham na pinadala niya kahapon.
"Mama ko," simpleng sagot ko.
"Ikaw?"
"My lola," simpleng sagot din niya saka napatingin sa mga kandila na nasa harapan namin.
Lola? Bakit hindi niya kasama? Siguro ko ay pinauna na niya ito sa loob ng simbahan nang makita ako.
Napabuga ako ng hangin.
Dapat ba akong matuwa na hinayaan niya lang ang lola niya doon para lapitin ako? Napailing ako at 'di mapigilan ang mapangiwi. Hindi man lang siya naawa sa lola niya.
"Nagsindi ka?" Pagkakuwan na tanong nito.
Tanging tango lang ang sinagot ko sa kaniya bago ko nilipat din ang tingin sa mga kandila.
"Mamaya pakatapos ng mesa,gala tayo. Ipapaalam na lang kita sa Mama mo kaya see you later." Maya't mayang saad niya bago niya ako iniwan.
Napakurap-kurap ako at 'di mapigilan ang magtaka sa mga kinikilos niya. Akala ko suplado siya kaya bakit nagiging showy na siya ngayon? Bakit madali lang sa kaniya na ayain ako? At saka bakit parang ang gaan ng loob niya sa akin? Alam kong medyo naaattract ako sa kagwapohan niya pero bakit din...nakakaramdam ako ng kakaiba.

BINABASA MO ANG
Once A Falling Star (Star Series 3) -Completed
RomanceNi isa walang alam si Alora Fulgar tungkol kay Tyrone Gail Teotimo.Isa lang itong transferee sa school nila na nagkagusto sa kaniya.At dahil sa wala siyang gaanong alam pagdating sa pag-ibig,ni-reject niya ito. Pero bago silang magkahiwalay,nag-iwan...