O. A. F. S. 6

30 5 13
                                    

Dedicated to: littlekredke

------------

ONCE A FALLING STAR
Chapter 6


Alora Fulgar's P.O.V

'Nakakahiya,' ito agad ang naisatinig ko nang sumalubong sa amin ang pagkaraming bisita pagpasok namin sa loob ng bahay ng tito ni Tyrone,hindi lang ito basta-bastang bahay kundi mansyon.

Akala ko isang ordinaryong pamilya lang ang pupuntahan namin hindi pala kundi isang bigatin.

Nawindang ako at napakapit ng mahigpit sa braso ni Tyrone.

"Sigurado ka bang ayos lang na magdala ka ng iba tao dito sa birthday ng tito mo, Tyrone? Nakakahiya hindi ako invited." Kinakabahan na tanong ko habang sinusulyapan ko ang ilang mga bisita na kumakain.

Napatawa naman ito ng bahagya sa sinabi ko at nilapit nito ang bibig sa tainga ko.Nahigit ko naman ang hininga ko sa sobrang lapit niya.

"Don't worry, walang gagawa sa'yo ng masama dito saka 'yang mga nakikita mong mga bisita ni tito ay hindi din mga invited, basta lang sila pumunta dito. At dapat alam mo 'yan dahil ito ang kalakaran sa probinsya. May invitation card man o wala lahat pupunta," mahinang bulong niya saka lumayo.

"Grabe ka naman sa amin.Bakit doon ba sa pinanggalingan mo hindi ga---" Naputol ang sasabihin ko ng biglang may sumingit.

"Oh Tyrone buti naman naisipan mong pumunta dito.Kalerkey ka kailangan pang pagbantaan para pumunta lang." Nakapameywang na saad ng isang lalaki. Medyo may edad na ito at masasabi kong may hitsura pero kataka-taka na parang bakla ito. Sabi ni Tyrone ang tito niya ay may asawa na kaya bakit ito ganito? Silahis? Siguro ko nga.

Nakaharap ito sa amin at pinagliliitan ng mga mata si Tyrone.

Napakamot naman sa batok si Tyrone at nakangiwing nagsalita.

"Kung hindi mo ginamit si Mama hindi talaga ako pupunta dito at alam mo kung ano ang dahilan."

Napaingos ang kaharap naming lalaki saka napatingin sa akin. Napaawang naman ang mga labi nito ng mapasadahan ako nito ng tingin.

"Oh ija hello sa'yo! Buti isinama ka nitong poging inaanak ko dito. Anong pangalan mo ija?" Tanong nito at bahagyang lumapit sa akin.

"Alora po," magalang na sagot ko na ikinangiti naman nito.

"Wow, pakiramdam ko ikaw na ang hinaha----"

"Tito, si tita Analyn?" Pagpuputol ni Tyrone sa sasabihin ng lalaki na ikinatawa naman nito. Iling-iling itong napatitig kay Tyrone.

Sayang, ano kaya ang susunod na sasabihin niya? Pinutol pa man din nitong Tyrone eh mukhang importante pa naman 'yon.

"Gaya ng inaasahan..."

Napakunot-noo ako sinabi nito.
Ehhh?

"Nando'n sa kusina si tita mo kasama ang mama mo." Pagpapatuloy nito pagkauwan ay tumingin sa akin.

"Ija ako nga pala si Dennis Apollo Gacis. Nice to meet you ija. Sige maiwan ko muna kayo, kumain na lang kayo kung gusto niyo,aasikasuhin ko lang ang iba pang bisita," aniya at aalis na sana ng pigilan ko siya. "Teka lang po!" kaya napatigil ito sa paghakbang at napalingon sa akin. "Happy birthday po pala!" Medyo nahihiyang saad ko na ikinangiti naman nito. Tumango siya at simpleng nagpasalamat. Nang makaalis ito ay napatingin ako kay Tyrone ng hawakan nito ang kamay ko.

"Halika punta tayo kila Mama," aniya na ikinalaki naman ng mga mata ko.

Mama niya?

Pupuntahan namin ang mama niya?

Once A Falling Star (Star Series 3) -CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon