THE EX.
Are you happy? nakita mo na siya ulit.
sa gc.
daya: okay lang ba si mention edred?
vin: dred?
zon: (sad emoji) anong nagawa mo dred? nawala nalang bigla si mad, okay lang ba kayo?
patch: anong issue to?
vin: seen lang eh
daya: hayaan muna natin si dred
seen.
napabuntong hininga ako, wala akong balak mag reply sa mga chat nila nakakainis lang kasi kasalanan din nila to.
"what should i wear hon? this one or this one?" sulpot ni avril na naka bathrobe lang at ipinakita yung mga pinipili niyang damit.
"ikaw, kung anong gusto mo" sabi ko at tumingin sa tv, simula pa kagabi wala na ako sa mood. tss
"okay ito nalang" narinig ko sa kanya at alam kong bumalik na sya sa kwarto niya. Isinandal ko yung ulo ko, nakakainis bakit namimiss ko siya naalala ko yung hinagkan niya ako iba parin pag si mad. Tumayo ako at pumunta sa may pinto ng kwarto ni avril tsaka kumatok.
"hon! sa parking lang ako maghihintay" sigaw ko at nag oo siya, lumabas ako sa unit niya nasa 3rd floor lang naman kami minsan nakakainip rin kasi maghintay kay avril pag nagbibihis. Sumakay na ako sa elevator ng biglang may familiar na mukha akong nakasabay, nagkatinginan kami at ngumiti siya sa akin.
"diba po ikaw yung nag benta sa bagong bahay namin?" at ng ngumiti siya, naalala ko na ang batang to.
"ahh okay, hi!" bati ko at kumaway siya, napakafriendly naman ng batang to.
"hello!" sabi niya at tumunog yung pang floor para sa parking tsaka siya kumaway ulit para magpaalam, lumabas din ako doon na curious ako kung sino ang kasama niya kaya sinundan ko siya ng tingin laking gulat ko na si madison yung nag-aantay sa kanya kaya alisto akong nagtago sa isang pader doon at sinilip sila, bumaba rin sa kotse na yun si mr. deusovich? teka teka! hindi kaya si eilish ang batang yun?! pinagmasdan ko sila, hinagkan ni madison yung bata at hinawakan niya sa pisngi si mr. deusovich masaya naman silang pumasok sa kotse tsaka umalis, naramdaman ko rin na parang nanakit yung dibdib ko. psh
"hoy, anong ginagawa mo diyan?" avril at tiningnan ako na may pagtataka.
"ahhh wala haha may nakita akong daga kanina, nakakatakot ang laki eh!" nasabi ko at hinila siya papunta sa kotse namin, narinig ko naman ang pagtawa ni avril kaya napatawa narin ako sa rason ko.
"talaga ha? takot ka sa daga" sabi niya at kinurot ang pisngi ko.
papunta na kami sa bahay namin, medyo malayo layo rin yun sa condo ni avril kaya nakakaantok yung biyahe samahan mo pa ng traffic. Napansin kong nakatulog si avril kaya nung na park ko na ang kotse, tiningnan ko muna siya bago ginising. Napangiti ako, may avril kana edred at may iba nadin si mad kaya pala ganun nalang siya magsalita kagabi na kailangan tanggapin namin na wala na talaga kami yun naman pala may iba narin siya. tss
"hon , nandito na tayo" panggigising ko sa kanya, ang cute ng gf ko pag bagong gising.
"nako! sorry nakatulog ako" nasabi niya at nag stretch.
"okay lang yan, tara na" nasabi ko at bumaba para pagbuksan siya.
"anaaaak!" salubong ni mom sa amin, hinagkan niya ako. "avril iha, mabuti naisipan niyong pumunta nakoo miss ko na tong anak ko" mom at kinurot kurot ang pisngi ko, napansin ko namang tumawa si avril sa inasal ni mom.
