EVERYTHING HAS CHANGED
EDRED'S POV
I'm sure! i was doing good and were totally fine the last weeks, but this time parang bumalik yung dating routine ng relasyon namin ni avril, ang cold namin at napansin ko everyweekend lagi siyang nagpapasundong lasing at laging nirarason niya ka business meeting lang yung kasama niya o di kaya mga employees niya na gustong kasama siya gumimik. She's been acting weird lately at di na ata maganda to, ngayon pa na bumabawi ako sa kanya.
"relax baka magpapasundo ulit yun!" zon at kasama kong umiinom, nilibre ako at isa yung himala, naglabas kasi ako ng sama ng loob ko sa kanya.
"sana nga, kanina pa ako naghihintay ng text niya"
"hayaan mo naman magsaya, may buhay din yun" sabi niya at uminom.
napatingin ako sa paligid, nag iisip. May mali ba akong nagawa?
wala naman siguro?
"edred!" biglang tawag ni zon sa akin
"ano?"
"kilala mo ba yun?" pagtuturo niya sa lalaking nakangiti sa akin at itinaas ang inumin niya, si mon?
"ha? itago mo ako!" biglang sabi ko, naalala ko, diba may ginawa siya sa amin ni mad?! hindi ko alam kung ano nang process nung lalaking pinakulong namin sa police kasi di daw pinaniwalaan na inutasan siya ni mon.
"bakit naman? mukha namang friendly!" zon at ngumiti, lintek naman oh! bakit pa kasi si zon ang kasama ko ngayon.
"zon, basta gawin mo ang sasabihin ko" at napansin ko si mon papalapit sa amin
"ano yun master?"
"tawagan mo si mad! sabihin mo kailangan ko siya dito , okay? sige na! lumayo kana! tawagan mo na" taranta kong sagot.
para namang tanga si zon na ngumingiti sa akin, iba yung iniisip niya. Sinunod niya naman yung utos ko at lumayo, pa cool naman akong tumayo at sumandal sa railings ng bar tsaka uminom.
"edred! naalala mo?" pagtuturo niya sa sarili niya.
"ah oo, mon! kilala kita" nasabi ko
"kumusta? mukhang matagal tagal din tayong hindi nagkita?"
"mukha nga, palagi kaba dito?"
"hindi naman, nagkataon lang na nandito ako ngayon for business at nandito ka" at ngumiti siya.
"business?"
"oo pero secret kung ano yun!" at tumawa siya kaya nakitawa din ako, ang weird niya.
"mabuti yan" nasabi ko at uminom
"baka gusto mo pang uminom? drinks on me!"
"ahh wag na, di rin naman ako magtatagal"
"teka san pumunta yung kasama mo?"
"ha? ahh nag cr, kanina pa naiihi"
"hmm, by the way nabalitaan ko ang nangyari sa kapatid kong si mad , alam mo ba?"
magsisinungaling ba ako? psh zon nasan ka naba?
"ahh oo sinabi sa akin nila vin, pero balita ko okay na raw, hindi ba kayo nagkikita?"
"busy ako eh, tsaka sila vin at patch, hindi ko na rin nakikita ewan parang nakalimutan nila ako dati naman nasa akin yung loyalty nila, inagaw ni mad ang mga kaibigan ko" sabi niya at uminom
"a-anong sinasabi mo?"
"wala edred, ngapala at dahil nagkita na tayo bakit hindi tayo mag usap?"
BINABASA MO ANG
HEY MADISON 2 COMPLETED
Roman d'amourthis is the freakin book 2 of hey madison enjoy!
