RUIN
EDRED'S POV
"holy shit?!" rinig namin kay zon at agad kaming humiwalay ni mad sa isat isa.
"do you not know how to knock first?" chill na sabi ni mad at naging awkward akong napatingin kay zon
"ahh sorry naman, akala ko kasi" zon at halatang gustong tumawa sa aming dalawa "but dont worry wala akong nakita" pumikit siya at lumakad para iwanan kami. Nagkatinginan kami ni mad.
"SORRY" sabay na bigkas namin tapos nag ngiti.an
"nako!" nasabi ko at napatingin ako sa orasan "it's getting late, kailangan ko na sigurong umuwi?"
"sure" at tumayo kami, hinatid niya ako papunta sa pinto at pinagbuksan.
"so, pano bye na?" at napamulsa ako tsaka tumalikod
"hoy wimp!" alisto akong humarap sa kanya "humahaba na yung buhok mo! ang gwapo!" bulong niya kaya natawa ako, plus may kindat pa bago isinara yung pinto. Ngiting ngiti akong naglalakad papunta sa unit ko, biglang nag message si avril pero binalewala ko yun kasi mas naiisip ko ngayon si mad.
Lumipas ang mga araw at naging busy ako sa mga reports ko para sa school, tapos may inassign pa si dad sa akin na trabaho. Medyo naging cold kami ni avril this past few weeks dahil narin sa laging out of the country niya sa trabaho, nagkikita lang kami once a week na lang at kapag magkasama kami laging may sisingit na tawag tungkol sa trabaho niya tss kaya nawawalan ako ng gana kapag ganun. December ngayon, actually christmas nga eh umuwi ako sa amin at one week na akong naka stay dito kaya ang boring na.
"omg! i'm so excited!" ava at may kausap sa phone niya.
"hoy sino yan?"
"si zon!" sabay rolled eyes niya, inagaw ko yung phone niya.
"hoy? bakit parang excited tong kapatid ko"
"i invited her dito kina egbert, dito ako magpapasko eh diba malapit lapit lang yung sa inyo dito?"
"ano?! ahem!" napatingin ako kay ava at sumenyas na lumayo
"bakit?" rinig ko sa kanya at lumayo rin naman siya
"ahh zon, nandiyan si mad?"
"wala, hindi siya dito magpapasko, uuwi ata siya sa uncle niya?"
"ahh ganun ba"
"oyy narinig ko yun" ava at sinundot sundot ako
"oh ayan" nasabi ko at umalis sa sala, nagkulong ako sa kwarto.
sa amin naman ni mad, yun na ang huli naming pagkikita nung gabing nahuli kami ni zon kinabukasan nun hindi na siya nagparamdam mapa text man o tawag, ilang araw akong nag isip sa kanya na baka iniiwasan na niya ako, na realize ko din na hindi nga naman tama yung ginagawa namin dahil may avril ako kaya pinilit kong wag na siyang abalahin kahit ilang beses akong nagtangka kumatok sa unit niya para makipag usap, sadyang may pumipigil lang talaga sa sarili ko, konsensiya.
"edred? magbihis kana magsisimba tayo" sigaw ni mom sa labas ng pinto ko.
pagkatapos namin magsimba, hinihintay nalang namin mag 12 midnight para sabay sabay kaming kumain at magbigayan ng regalo. Luckily, tumawag si avril, umuwi rin kasi siya sa kanila to spend her christmas sa pamilya niya.
"merry christmas hon, i know hindi maganda yung loob mo sa akin this past few weeks kasi sobrang busy ko and i'm sorry for that, babawi ako sayo after this long vacation okay?"
"okay, merry christmas too" yun lang nasabi ko
"do i still get i love you from you? o tampo ka parin?"