4

28 0 10
                                    

STILL FOOL FOR YOU.

naiilang ako ngayon sa mga titig ni avril sa akin habang kumakain ako dito sa paborito naming chinese restaurant. Sa bawat subo ko ngumingiti siya sa akin nang nakakaloko, kaya naisipan kong magtanong sa kanya kung anong problema kung sa pagsubo ko ba? o sa pagkaing sinusubo ko?

"hon? kanina kapa" nasabi ko at ibinaba yung chopsticks na hawak ko.

"oh? kain kapa" sabi niya at kumain lang.

pero hindi ako nakinig sa kanya, napa crossed arm ako at siya naman yung tinitingnan ko.

"ano??" patawang sabi niya.

"nakakainis kasi yang smile at patitig titig mo"

"ahh haha, wala naman naninibago kasi ako, ilang araw ako nawala tapos ngayon na kasama ulit kita, napa isip lang ako ibang iba kapag magkasama talaga tayo"

"so youre saying that long distance will not work between us?"

"i guess? mas okay na malapit ako sayo at malapit ka sa akin" nasabi niya at ngumiti sa akin, that smile though na napapangiti din ako.

"ganyan din ang iniisip ko" nasabi ko at tinapos yung pagkain ko, pagkatapos namin doon pumunta naman kasi sa isang bookstore, mahilig rin kasi sa mga libro si avril minsan sa time na magkasama kami sabay kaming nagbabasa ng libro at nag she share ng ideas sa mga binabasa namin which is one of our thing for a good relationship communication. Habang busy ako sa pamimili, bigla naman akong niyakap ni avril sa gilid na ikinagulat ko.

"yes hon?" nasabi ko habang binabasa pa yung mga niloloob ng librong nakuha ko.

"i just wanna be clingy, namiss kita eh" pa sweet na sabi niya kaya ibinalik ko yung hawak kong libro at hinalikan siya sa noo.

"ang sweet naman, may kailangan ka no?" pabirong sabi ko at napa pout siya.

"ang sama nito" sabi niya at dinala yung mga librong bibilhin namin tsaka padabog na pumunta ng cashier counter. Patawa naman akong sumunod sa gf kong feeling bata kung magtampo.

Pagkatapos namin makabili, naglibot libot muna kami hanggang sa nakakita siya ng streetfoods, pinansin na niya ako at hinila papunta doon kina manong, typical nga na nagde-date kami. Sinusubu.an niya ako sa kung anong maiisip niyang ipakain sa akin at sanay na ako sa ganun ni avril, habang nakatingin ako sa kanya ngayon na ngumunguya sa kinakain bigla namang sumagi sa isip ko si madison. Ang akala ko nga si mad ang nakikita kong kumakain sa harap ko ngayon kaya napapikit ako saglit.

"oy okay kalang?" biglang sabi niya at hinawakan ako sa braso.

"ahh oo" nasabi ko at napapahid sa pawis ko "medyo mainit na kasi" nasabi ko kaya umalis na kami doon at bumalik kung saan nakapark yung kotse ko.

"mr. wilson?" napatingin ako sa isang pamilyar na matandang babae na naka shades at ngumiti sa akin. Medyo nagtaka pa ako kaya ibinaba niya yung shades niya.

"kilala mo hon" rinig ko kay avril

"ms. clara?" tuwang sabi ko, tiningnan ko si avril "yes hon principal ko nung high school" sabi ko at lumapit kami kaunti sa kanya.

"ohhh? kumusta na iho?"

"ayos lang po, ga graduate na nako! pasensya na at hindi kita agad nakilala, mag isa lang ba kayo?"

"hmm may kasama ako, kikita.in ko palang, ikaw?" at napatingin siya sa kasama ko.

"ahh!" at ngumiti ako kay avril sabay agbay sa gf ko "ms. clara, this is avril my gf, hon yung sinabi ko kanina sayo si ms. clara"

"hi iha" bati ni ms. clara, ngumiti lang naman si avril sa kanya "ngapala iho, i was sad nang mabalitaan kong naghiwalay kayo ng anak ko" biglang sabi niya kaya kinabahan ako at medyo naging awkward shit bakit pa kasi inopen up.

HEY MADISON 2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon