US.
EDRED'S POV
"may pagkakataon bang magkabalikan kayo ni mad?" tanong ni avril sa akin.
"hindi ko kailangan sagutin ang tanong mo"
"galit kapa rin ba?"
"para san pa avril na magagalit ako sayo ngayon?" nasabi ko.
"oo nga naman para san paba"
"edred! nasaan yung--" zon at nabigla kay avril.
"hi zon!" avril
"oh hi nandito karin pala" zon at tiningnan ako "itatanong ko lang sana kung nasaan yung room ni eilish"
"sasamahan na kita" nasabi ko at iniwan namin si avril doon, nang makaabot na kami sa room ni eilish, papalabas naman si egbert, ngumiti siya sa amin ni zon pero binalewala ko yun at dinaanan lang siya.
"kuya king!" eilish
"eilish, gising kana pala!" at masaya akong lumapit sa kanya.
"tita zon!"
"may dala akong prutas! sa paborito kong alaga!" zon at itinaas taas yung dala niya.
"thanks zon! maasahan ka talaga!" mad
"ofcourse! you hired me right? ibig sabihin magaling ako sa lahat ng bagay" zon
"agree!" eilish at tumawa
"magaling ka diyan" pang-aasar ko sa kanya. Napatingin ako kay mad na nakikipag kulitan ngayon kay eilish.
"kayo, kumain na kayo ako na muna ang bahala nitong bulilit nato! okay?" zon at mukhang pinapaalis na kami, kaya lumabas na muna kami ni mad.
Tahimik lang siya habang papalabas kami ng hospital kaya medyo naging awkward akong sumabay sa kanya.
"ako na muna ang magmaneho, okay lang ba?" at tumango ako sa kanya. Kaya sumusunod lang ako hanggang sa makahanap kami ng makakainan.
"okay ka lang?"pagtatanong niya bigla habang kumakain na kami.
"okay naman ako, ikaw ba?"
"okay rin, ang tahimik mo kasi may nagawa ba akong masama?"
"nako nako wala!" nasabi ko "iniisip ko baka wala ka sa mood makipag usap kaya hindi narin ako kumikibo"
at ngumiti siya sa akin tapos biglang may isinubo sa bunganga ko.
"anong klaseng isip yan?! tss" kaya natawa ako sa kanya "mag order ka nalang ng beer mukhang kailangan kong uminom"
"hindi ka iinom ngayon, magbabantay tayo kay eilish!" nasabi
"tayo? ako lang, uuwi ka may trabaho kapa bukas! kargo ko ang bata kaya responsibilidad ko siya"
"hindi rin iba si eilish sa akin, ano bang mali kung gusto kong magbantay sa kanya"
"ayaw kong ma apektuhan ang trabaho mo okay?" at sinubu.an niya ako ulit kaya punong puno ang bunganga ko ngayon para hindi makapagsalita "at tsaka nandyan si egbert ang dad na kinalakihan niya" tss nilunok ko lahat ng nasa bunganga ko para makapagsalita ako.
"oo na, wag mo nang ipamukha sa akin na may mas karapatan si egbert" nasabi ko at kumain nalang.
"oy! nag usap kayo ni avril no? magkakabalikan naba kayo?" nasabi niya at dinamihan ang pagkain.
"ano ba, hindi ako magsisinungaling sayo oo! nag usap kami pero hindi ibig sabihin nun magkakabalikan kami" nasabi ko
"good" at nag thumbs up siya "sabi na eh, sakin ka" pangiting sabi niya, utak talaga nito.
