2

33 0 0
                                    

CONFUSED.

Madison's POV

"ang sarap!" nasabi ko pagkatapos kong maubos ang isang bote ng beer, namiss koto! namiss kong uminom! napapangiti ako habang inaabot yung isa pang bote sa fridge.

"ops! remember maddy, one bottle policy per day!" paninita ni egbert sa akin at inalayo ang kamay ko sa fridge, napakamot ako sa ulo naman! nakakainis.

"okay" sabi ko at itinaas ang mga kamay sign na sumusuko ako.

ngumiti si egbert sa akin at ginulo ang buhok ko.

"ikaw talaga! kaya pala gising na gising ka alas dose na nang madaling araw oh" sabi niya, napa-upo ako.

"pahingi nga ng tubig" nasabi ko at binigyan niya ako "ang bata, tulog naba? na check mo ba?"

"yeah, maayos na natutulog si juliet"

"tsk bakit ba juliet ka ng juliet, si eilish yan! my baby girl" napa pout ako, di porket nakapangalan na sa kanya yung bata, si egbert na kasi ang umampon sa bata.

"haha oo naman, baby girl mo yan forever ngapala, bakit ka na naman umiinom ngayon? alam ko kapag gusto mo ng beer, may iniisip kang problema"

"wala to, hindi lang kasi ako makatulog kaya kailangan ko ng pampatulog!" sabi ko at napansin kong tiningnan niya ako ng mabuti. "ano? anong tingin yan!"

"hindi ka makatulog kasi?? dahil ba to kay mr. wilson?"

umiwas ako ng tingin sa kanya at uminom ng tubig ko.

"hahhaa i know it! nakita mo kasi siya kanina kaya naman pala dun mo napiling magpa enroll kasi nandoon siya psh, ang swerte niya" narinig ko sa kanya.

"matulog kana nga!" pambubugaw ko sa kanya.

"alam mo, kung hindi ka lang inlove na inlove kay mr. wilson niligawan na kita eh" biro niya at tumawa, tiningnan ko siya ng masama kaya napaayos siya sa sarili.

"oy easy lang, nagbibiro lang ako! cge na, matutulog na ako kaya matulog kana rin tsaka wag kang magkakamaling kumuha ng beer binilang ko lahat yan" at umalis, ang damot sa beer ng isang to.

napatingin ako sa paligid, namiss ko ang bahay nato, bahay kasi to ni patch eh. Hindi alam ni egbert na may koneksyon sa akin ang bahay nato na ini recommend ko, ayaw ko kasing mabili ng iba. Marami kaming ala-ala ng tropa dito lalong lalo na sa amin ni dred. Pero dahil matigas ang ulo ko kumuha parin ako ng isa pang beer at pumunta na sa kwarto. Nakatingin lang ako sa kalangitan habang masayang nilalaklak ang beer na dala ko, napangiti ako sa naalala ko, dati ang ingay dito sa mga oras nato, malakas yung music, maraming tao, maraming adik lol, maraming inumin at iba pa sabayan mo pa sila patch at vin, mack, evan at edred. psh

"kainis!" nasabi ko at patuloy na ininom yung isang bote "oy! may stars!" masayang sabi ko, alam kong medyo tipsy na ako kasi mahina na ang dosage ko sa nakakalasing na inumin, ilang taon naring kontrolado ko ang sarili ko.

"i wonder kung may paki-alam paba siya sa star"

Edred's POV

nakatingin ako sa kalangitan ngayon, maraming stars napangiti ako naalala ko tuloy si madison. Nagtaka ako sa iniisip ko kaya napa inom ako ng marami, isinandal ko nang mabuti yung ulo ko sa inuupu.an ko, nakakainis.

"oh ito na! nilutong pulutan ni daya" dumating si vin na may dalang pagkain, nandito kami ngayon sa pool area sa bahay niya, nag iinuman. "kanina kapa nakatulala sa langit ah, may problema ba? alam kong mahirap bilangin ang mga bituin dred" vin at tumawa.

"wala naman akong problema" sabi ko at uminom ng uminom.

"walang problema? eh halos maubos mo natong isang case, okay kalang ba? o nagkaproblema kayo ni avril?"

HEY MADISON 2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon