THE ACCIDENT
EDRED'S POV
"hi tita!" masayang bati ni avril kay mom, biglang lumabas yung parents ni avril kaya mas naging nagulat ako.
"dad, mom" bati niya din at hinagkan isa isa, napatingin ako sa kanya at ngumiti lang siya sa akin na parang wala siyang dapat e explain tss
"dad" nasabi ko ng lumapit si dad, napansin ko naman na malungkot na nakatingin si ava sa akin.
"mukhang may jetlag pa kayo, naghanda na ako ng makakain natin para sa espesyal na gabing to" at umalis na sila except sa amin ni avril na nagpa iwan muna.
"anong ibig sabihin nito?"
"my father wanted a family dinner with yours, siguro may pag-uusapan na importante"
"tungkol saan naman?"
"hindi ko rin alam" at kinabahan akong sumunod sa kanya.
tumabi ako kay ava, napatingin ako sa kanilang lahat dahil tinitingnan nila ako.
"mag usap tayo later" bulong ni ava sa akin at tumango lang ako.
Kumain na kami habang nag uusap yung mga magulang namin, tahimik parin ako at si avril lang yung sumasagot para sa akin kapag tinatanong ako ni dad about s convention kasi wala talaga akong naiintindihan, andami ko kayang iniisip! lutang na lutang pa ako sa mga nangyayari.
"by the way kumpadre may nasasabi naba sayo ang dalawang to?" masayang sabi ng dad ni avril, nag ngiti.an naman silang mag ina kaya napahawak ako ng mabuti sa tinidor ko.
"ano yun? may dapat ba silang sabihin?" at tumingin si dad sa akin "edred?"
"nako nakalimutan kong sabihan ang asawa ko, ngapala balak na nang dalawa na magpakasal, diba anak?" mom at nagulat ako, kailan ko ba sinabi? kunot noo akong tumingin kay avril, napa ubo naman yung dad ko.
"a-ano? pero" dad at hinawakan siya ni mama sa braso.
"after nang graduation ni edred siguro naman di kana magugulat, matanda na ang anak natin at alam kong magiging maayos ang buhay nila kapag sila ang magkakatuluyan" mom
"thank you tita" avril at ngumiti sa akin.
"mabuti mabuti, gusto ko sanang magkasundo din ang mga kompanya natin, gawin nating malaki" dad ni avril, mukhang nahahalata kong arrange marriage to ah?!
"sumasang-ayon kaba anak?" dad at tiningnan ako, tahimik akong napatingin sa kanilang lahat "sumasang-ayon naman ang lahat sa tingin ko" bigla akong nakaramdam na may sumipa sa paanan ko kaya napatingin ako kay ava.
"p-po?" nasabi ko at napa inom "hindi pa po ako nakakapag propose kay avril, siguro naman maaga pa para pag usapan ang ganitong bagay?" awkward na sabi ko.
"tama nga naman!" dad
"alam mo iho, boto na ako sayo ikaw lang nakapagpatino nitong anak ko alam mo yan kaya hindi mo na kailangan ligawan magiging biyenan mo" patawang sabi ni tita tsaka nagtawanan sila lahat except ava na biglang tumayo.
"masama po ang pakiramdam ko, can i go upstairs? i want to sleep na" at umalis siya kaya natigilan lahat, tumango nalang si mama.
"pagpasensyahan mo na yung bunso, mukhang pagod sa school"mom
"okay lang mare, ganyan talaga mga kabataan ngayon madaling mapagod sa eskwela"
at pagkatapos nun, natapos din ang hapunan na ganun parin ang topic, nag stay lang sila ng mga isang oras hanggang sa nagpasyang umuwi, nagpaiwan kami ni avril dahil dito kami matutulog.