17

10 0 0
                                    

GROW UP.

MADISON'S POV

papalabas na ako ng room ng makita ko si ashton na nagda-drum-drum sa pader habang naka headset, tss kahit saan mo dalhin to ganito talaga siya eh.

"hoy" sabi ko at kinalabit siya, agad niyang tinanggal yung headset niya.

"kanina kapa?" tanong niya

"kalalabas ko lang, tara na para matapos nato!" nasabi ko

"hmm hindi man lang tayo magiging friends? pagkatapos mo akong tulungan?"

"marami na akong kaibigan" nasabi ko

"grabe talaga! bakit ba ang harsh mo sa akin?" tanong niya at hinarangan ang daanan ko.

"tabi"

"okay, chill" sabi niya at tumabi.

"diba ang sabi mo kapag sumama ako sayo ngayon, titigilan mo na ako? ano pabang kailangan mo?"

"makikipag kaibigan?"

"wala kabang kaibigan dito?! at atat na atat ka sa akin?"

"wa wala" sabi niya tapos.

"hey ashton! gig mamaya ha!" nakasalubong niya at nakipag apiran.

"talaga ha? wala? mukhang famous ka nga dito sa school!" nasabi ko at napalingo.

"bakit ba ayaw mong makipag kaibigan sa akin?" at napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si derek na papunta dito sa dinadaanan ko, hindi na ako nakinig sa mga pinagsasabi ni ashton kasi yung isip ko naalala ko yung sinabi ni edred kaninang umaga, kaya galit akong napatingin sa gagong to.

"DEREK!!!" sigaw ko at sinuntok siya tapos sinipa din sa ibabang bahagi niya.

"PUCHA!" sigaw niya habang namimilipit sa sakit, nagtinginan naman yung mga estudyante doon sa eksena namin.

"diba yan yung lalaking nang gulo sayo" ashton at sinamaan ng tingin si derek.

kinwelyuhan ko si derek.

"tigilan mo na kung anong sinasabi mo kay edred! kasi wala kang alam! baka ano pang magawa ko sayo" nasabi ko at binitawan siya, iniwan ko siya dun at sumunod si ashton sa akin. Napahawak naman ako sa kamay ko, nakalimutan kong may sugat pala ako yun pa ang ginawa kong panuntok.

"hey okay kalang?" napansin kasi ni ashton na medyo nasaktan yung itsura ko.

"okay lang" nasabi ko at napansin kong dumudugo yung sa loob ng benda ko.

"shit, hindi okay yan" pag-aalala niya at bigla akong hinila ni ashton papuntang clinic. Napatingin ako kay ashton habang hawak niya ang wrist ko, ngayon ko lang natitigan ng malapitan ang mukha niya bakit parang familiar siya.

pagkatapos naming magpagamot doon, tumungo na kami sa ice cream parlor, ang nakakatawa yung pinaka mahal ang inorder niya sa akin tapos siya simpleng nasa soft ice cream na nasa cone lang.

"seryoso kaba?" natanong ko ng mapatingin ako sa malaking bowl ng ice cream na nasa harap ko ngayon.

"mukha bang biro yan, kumain ka nalang" pangiting sabi niya at nagsimula nang kumain ng ice cream, habang kumakain ako nagkwe kwento naman siya about sa perang nabawi niya kay carol, sinabi niyang ibabalik niya yung para kay cookiemonster tapos makukuha niya yung para sa kanya, tuwang tuwa siya habang nagsasalita na parang bata kaya medyo natatawa nadin ako sa kanya.

"pero alam mo, kanina ko lang napansin na parang" at tiningnan ko siya "parang nakita na kita"

"talaga?!" at inilapit niya bigla yung mukha niya sa mukha ko kaya nasampal ko siya ng kutsara "ouch!"

HEY MADISON 2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon