5

26 0 4
                                    

NOT THINKING ABOUT YOU.

Edred's POV

gising ako buong magdamag sa kakaisip sa nangyari sa amin ni mad, gusto kong magalit sa sarili ko at matuwa dahil sa sandaling kaligayahan na nadama ko pero mali to eh, maling mali.

"halikan moko"

naririnig pa ng isip ko ang mga salitang yun, napatabon ako ng mata at pumilit na pumikit. Wala parin eh, napabangon ako sa inis mag uumaga na at minumulto parin ang isip ko. Naisipan kong uminom baka makaramdam ako ng antok, nag stay ako sa sala at ipinagpatuloy yung pinanood namin ni mad kanina.

Napatingin ako sa side ng couch kung saan naka-upo si mad kanina, na imagine ko tuloy siya na nakangiting naka upo doon at kumakain tss napa inom ako at ibinaling ang tingin ko sa tv.

"hindi ko maintindihan kung bakit ito ang pinapanood mo?" pinatay ko yung tv at kinuha ang laptop tsaka nagbukas ng chat biglang nag appear na gusto makipag vc ni patch napa inom muna ako bago pinindot yung answer button.

"oh dred? gising kapa? mag uumaga na diyan diba?" at tumawa siya.

"hindi kasi ako makatulog pare, umiinom nga ako oh" sabi ko at ipinakita yung iniinom ko.

"bakit naman? oy kapag maka uwi ako diyan inom tayo ha! namiss ko rin kayo"

"sure! bakit kailan kaba uuwi?"

"malapit na, gusto kong makilala mga bagong kaibigan niyo diyan!"

"tss wala namang bago, kami parin ng tropa yung nagsasama"

"are you sure? hindi ko pa nga nakikilala ang gf mo, yung nanliligaw daw kay mad"

"ahh yun ba ang tinutukoy mo tss" si egbert tinutukoy niya.

"oo, hanep! nagkanya kanya na talaga kayo ni boss madison!" patch at tumawa

napangiti nalang ako, naalala ko na naman kasi si mad kaya napatingin ako sa side ko nakakainis, napa inom ulit ako.

"ganyan talaga eh! ikaw ba? wala kabang ipapakilala?"

"alam niyo malas ako sa ganyan kaya wag na kayo mag expect" at nagtawanan kami "sige na dude, kailangan ko nang mag ready may lakad pa ako, matulog kana hoy!" sabi niya.

"sige, goodbye!" sabi ko at inend yung vc.

maya maya may nag pop up na chat message sa screen ko, tiningnan ko yun kasi hindi siya kasali sa list ko.

sa chat.

madison: gising kapa?

tsk siya lang pala, bakit ko pa na seen.

ako: paki mo?

madison: bakit gising kapa?

ako: paki mo ba? ikaw nga rin eh

madison: hindi ako makatulog, ikaw ba?

napa inom ulit ako.

ako: hindi rin

madison: iniisip kasi kita

napatawa ako, takte! bakit niya sinasabi to? tawang tawa ako na nagta type sa laptop ko.

ako: bakit mo ba ako iniisip? yung kanina ba? yun ba?

madison: oo, ikaw rin ba?

tumawa ulit ako. ang honest

ako: ako? mag iisip sayo? no, i'm not thinking about you! hindi lang talaga ako makatulog.

madison: (laugh emojis)

HEY MADISON 2 COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon