KABANATA 6

26 17 0
                                    

After School news

Angel's POV

Si Tuner pala yung lalake na nakausap ko sa Canteen kaya pala familiar. Masayahin,masarap kausap pero makulit.

"Sige una muna ako Angel ah,bukas ulit!" Mahinahon niyang sabi kase nasa Library kame.

"Sige bye,ingat"

Para kaming mga bubuyog na nag uusap...Eh eto kaseng si Tuner satsat ng satsat hindi na ako nakafocus sa pagbabasa.

Tuner the virus!---nahawaan ako

Nauna na siyang lumabas pero nililigpit ko pa yung mga kalat sa mga lamesa.Part din kase yun sa responsibilities pag member kana sa Library Club.

Pagkatapos non lumabas na ako at nagpunta sa Room.Pagbungad ko sa pintuan.Nagsusuntukan yung dalawa.

Ethan at Yunwu!

Mga classmates ko ang laking pakinabang nagtitingin lang sila sa pag aaway ng dalawa.Parang dalawang manok sa sabungan.

Ang galing...hindi man lang nila maawat

"Kaya mo yan Ethan!"

"Kay Yunwu ako woooh!"

"Tama na Ethan"
"1000 pag nanalo si Ethan"

"2000 pag nanalo si Yunwu!"

Abay! Ang mga gago hindi man lang inawat!

Nakita ko si Zap na nakiki tingin lang din sa labanan.Gusto kong malaman kong anong nangyari.

"Zap,anyare sa dalawa?!" Sigaw ko.Mas malakas kase yung sigawan ng mga kaklase ko na parang nag sasabong.

Sanay na sanay!

"Nag-aaway sila!" Sigaw niya at tiningnan ako.

Ansarap hampasin ano ako bulag?! Alam kong nag aaway sila pero anong dahilan!Jusko!

Napangiwi nalang ako at tinanong si Zor.Mukang matino na ata to.

"Bat sila nag aaway!?" Sigaw ulit.

"Ewan ko pero ang alam ko nag aaway na sila papuntang room!"

Gusto kong silang awatin kaya nakipagsiksikan ako sa kanila.

Nakita ko si Ethan na duguan ang ilong at labi pero panay parin siyang nakikipag basag ulo kay Yunwu.Si Yunwu nangingitim na ang gilid sa mata at pisngi niya pero hindi din siya huminto sa pagsuntok.

Sinuntok ni Yunwu si Ethan pero naka ilag siya at agad na sinikmuraan at sinipa.Tumba si Yunwu.Habang nakahandusay siya ay pilit parin niyang umupo pero sinipa-sipa ni Ethan.Nakuha ni Yunwu ang kanang paa ni Ethan at tinulak para mawalan ng balanse si Ethan.
Bago paman tumumba si Ethan ay sinipa niya ito at natumba.

Kanilang Anghel (PART ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon