Chapter Four
Kinabukasan nga ay bumiyahe na sila papuntang Tagaytay- dun sa bahay ni Jared. Kukuha din sila ng mga importanteng gamit para sa kanilang pangangailangan. Wala silang imikan habang bumabiyahe . Pero di na nya nakayanan ang katahimikan sa loob ng sasakyan at di narin sya nakapagpigil sa pagtanong.
"Ahm, Jared, bakit sa Alaska ang hide out nyo?" aniya.
"Eh, kasi malamig dun para sa katulad nating mga bampira." sagot nito.
"Ah, eh, bakit ka nandito? Mainit naman dito?"
Napatawa naman ito sa kanyang katanungan na akala mo ay isang biro ang kanyang binitawan na tanong.
"Di naman gaanong mainit dito. Di katulad dun sa isang hide out namin sa Texas."
"Okay."
"May itatanong ka pa ba?" anito.
Parang nais nyang mamula sa katanungan nito.
"Wala naman. Salamat."
"Walang anuman."
Nakabibingi na naman ang katahimikan. Nang tumingin sya sa labas ng bintana para malibang sya kahit papano ay may napansin sya na isang sasakyan. Alam nya na daan iyon pero parang kanina nya pa iyon nakikita. Kinabahan sya agad at kinuha ang atensyon ni Jared na busy sa pagmamaneho.
"Jared." aniya.
"Bakit?"
"Parang napapansin ko na kanina pa yan sumusunod sa atin ang puting sasakyan na iyan Jared."
"Shit! Nasundan nila tayo."
Ang kaninang kabang nadarama ay mas tumitindi pa. Tila ba ang kanyang puso ay pilit na lumalabas sa kanyang dibdib.
"Oh! No! Bilisan mo Jared. Baka maabutan nila tayo at kung ano pa ang gagawin sa atin." kinakabahang sabi niya rito.
"Alam ko. Teka lang."
Inapakan nya ng pagkadiin-diin ang silinyador at para bang nakikipaghabulan na sila kay kamatayan kung makapabilis ito sa sasakyan. Pero kahit na ganun ang bilis ng kanilang sasakyan ay may bumunggo parin sa likurang bahagi nito.
"Jared! Nandyan na sila!" nagpapanic na sabi nya rito.
Lalo pang bumilis ang kanilang sasakyan. Hindi nya alam kung ano ang nangyayari sa lalaki gayung may kapangyarihan naman ito. Pwede naman siyang makipagbakbakan sa mga bampirang humahabol sa kanila. Ngunit naisip nya na kung makikipaglaban ito ay dehado sila. Dadalawa lang sila at di nila alam kung ilan ang mga nasa loob ng sasakyang iyon. At kung gagamit man sila ng kapangyarihan ay dehado parin sila dahil bukod sa dalawa lang sila ay di pa nya alam kuna paano ko-control-in ang kanyang kapangyarihang taglay niya.
(A/N: Vote po kayo. Okay? Thanks. . . )
BINABASA MO ANG
The Immortal
Про вампировSi Samantha ay isang ordinaryong tao lang sa isang maliit na baryo. Araw-araw niyang napapanaginipan ang isang nakakatakot na imahe. Isang gabi ay nagising siya dahil binabangungot na naman siya. Pero may isang istranghero na pumasok sa bahay niya...